Chapter 15

5 1 0
                                    

Raven's Point Of View

Binuksan ko ang pinto ng classroom namin . At nagulat ako dahil lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin . Well , medyo gets ko na kung bakit , umabsent ba naman ako ng tatlong araw , ma hindi ko naman ginagawa since 1st year ako .

" WB bhe bhe ! " salubong saakin ni Hannah . Nginitian ko lang siya bago umupo sa kasunod niyang upuan .

" Bhe bhe , ok ka na ba ? " tanong nito .

Tumango naman ako , " oo , kailangan ko lang siguro ng... pahinga . "

" Ah bhe bhe , ito yung mga notes na ginawa namin , kopyahin mo na lang . " sabi niya bago iabot sakin ang notebook niya .

Kinuha ko ito at ngumiti sakaniya ,"salamat bhe ah . "

" Good . Pumasok ka ngayon . "

Naramdaman ko na may pumatong kamay sa ulo ko , napa angat naman ako tingin ko , pero mas lalong natakpan ang mata ko sa braso niya .

" Salamat.. " sagot ko . Tinanggal na ni Ohpy ang kamay niya at umupo na sa upuan niya sa kasunod ko .

" How's your feeling right now ? " tanong nito .

" I'm... fine ! Definately . " sagot ko . Nginitian niya lang ako , bago ipasok sa tenga ang isang earphone .

Hindi nagtagal ay pumasok na si Mrs Dela Peña at nagturo na .

Kahapon . Ay andun parin si Oliver , kahit nakarecover na ako , ay hindi niya ako pinapasok sa school . Kaya , naawa naman ako sa attendance ni Oliver dito sa school kaya pumasok na ako .

Naalala ko ang sagutan namin ni Oliver, at ang nakakainis pa nito, alam na niya. Ayokong malaman ng mga kaibigan ko ang tungkol dun, kaya that day ko lang din nasabi kay Hannah ang tungkol sa mga magilang ko... lalong-lalo na ang papa ko .

***

Kasalukuyang nilalaro buhok ko, hinihintay ko sina Oliver, Sunny, at Gold. Lunch break na kasi, pero pinatawag si Sunny for the meeting sa basketball nila, si Gold naman ay may tinuturuang grade 7 kung paano tumugtog ng gitara, at si Oliver ay nagtuturo naman sa library. Hindi ko aakalain na magiging busy sila sa ibang bagay, hindi lang sa banda.

Narinig kong kumulo na ang tyan ko, napahawak naman ako. Haaay, ang tagal nila! Nagugutom na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko, at tinignan kung ano na ang oras. 8:50 AM na pala, mamayang 9:05 AM ay tapos na ang lunch break. 'Pag ako napikon at nainip, bahala na sila.

Narinig kong bumukas na ang pintuan ng music hall kaya naman napatayo ako sa ibabaw ng stage.

"Sorry Raven, nahuli kami ah." 'di ba dapat matuwa ako dahil andyan na sila, pero hindi, hindi iyon ang boses ni Oliver o ni Sunny nor Gold. At hindi sila babae 'di ba ? At alam ko kung kanino ang boses na iyon.

"What the hell brings you here?" tanong ko sakaniya sabay ngumisi.

"To study, Raven." sagot nito habang papalapit na siya saakin

Nag-aaral pala ang ahas ? Buti naman, kaya nilang turuan ang isang 'yan. Akala mo'y walang utak, malaki kasi ang bunganga.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now