Chapter 23

1 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Hannah. Siya ay abalang kumakain ako naman ay hanggang tingin lang sa pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit ako in-order-ran ni Hannah, nawalan ako ng gana kumain dahil sa liham na yun.

Marami katanungan ang nasa isip ko. Yung sulat naba 'yon, kay mama ba talaga galing o isang prank lang? Si mama din kaya ang nagtext sakin?

Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Gusto niya akong ilayo sa mga taong kasama ko ngayon. Masyado siyang selfish. Hindi man lang niya naisip kung anong mararamdaman ko kapag nilayo niya ako sakanila?

Napatay si papa o pinatay? Lumalakas ang masama kong kutob dito. Hindi ba dapat ako maging masaya dahil sa nangyari sakaniya?

Kahit galit ako sakanila ni papa. Bakit gusto ko siyang makasama? Gusto ko siyang yakapin kagaya noon. Gusto ko siyang makasama kagaya noon. Gusto kong mamuhay ng normal kasama siya kagaya noon. Mahirap ba 'yon at kailangan niya pa akong ilayo?

"Bhe lalangawin ka na. Kainin mo na yung pagkain mo." Sabi ni Hannah. Tumingin ako sakaniya at ngumiti pero alam kong mababakasan niyang malungkot ako.

"Hannah, anong... Mararamdaman mo kapag... Wala na ako?" Halos walang boses kong tanong.

Tumaas ang kilay niya. "A-ano nanamang pakulo 'yan? Nag away ba kayo ni Oreo? Ni Nher—"

Tumayo ako. "Wala, mamaya ko na lang kakainin 'to, mauna na ako." Kinuha ko na ang pagkain ko at umalis ng cafeteria, naririnig ko ang pagtawag sakin ni Hannah pero hindi ko siya pinansin.

Nakaupo ako sa likod ng building ng Grade 10. Tago ang likod nito, natatakpan kasi ng puso kaya hindi napapansin mula sa taas, kaharap nito ang isang malaking pader, ang puso ay nakatayo sa dadaanan papunta dito sa likod.

Yakap-yakap ko ang dalawa kong tuhod. At napayuko.

Kilala ko ang mama ko. Wala siyang hindi sinasabi na hindi niya ginagawa. Matapang pero masayahin, ganyan mo siya pwedeng ilarawan. Naalala ko pa nung lagi ko siyang nakikitag nakangiti. Siguro, iyon na lang ang naalala ko nung hindi pa patay ng kuya ko, dahil sa trauma ay wala na akong masyadong natatandaan.

Natatakot ako, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Lalo na kapag nagpakita na ang mama ko.

May naaninag akong anino. Napaangat ang tingin ko at bumalik ulit sa pagkakayuko.

"Pusa lang pala." Bulong ko.

Halatang kulay itim siya, pero ang kapal ng balahibo niya, hindi mo aakalaing pusang gala 'to. Aba may collar pa, ang ganda nh pagka asul ng mata ng pusa. Parang hindi siya gala, naligaw? Lumapit ako sakaniya at tinignan ang collar niya.

Nanlaki naman ang mata ko—

"Ramy? Andito—"

Napaangat ang tingin ko sakaniya, halatang nagulat din siya ng makita ako. Ngumiti siya. At lumaput sa pusa at binuhat ito.

"Andito ka lang pala, pusa ka." Sabi nito bago himasin ang ulo nito.

Aba ganun? Pagkatapos ko siyang pikunin ganyan na? Aba pikon nga.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now