Raven's Point Of View
" Nhero ... "
Lumapit yung lalaki sakin at nakangiti siya . Yung ngiting demonyo .
" You must be Raven . The new member of RAIN ? And you are the vocalist . Congratulations ! "
" Nhero anong ginagawa mo dito ? " napatayo si Oreo .
" Bakit ako andito ? " tumingin siya kay Oreo , pero hindi parin nawawala yung ngiti niya . " to celebrate too . Kasi nakabalik nako . "
" Kung ako sayo umalis ka na dito . " nangigigil na lumapit si Sunny sakanya at kinuha yung kwelyo niya .
" Relax Sunny boy . Galit ka agad eh . " tapos tumawa siya . Bigla siyang sinuntok ni Sunny . Napa higa siya sa sahig . " wala ka ng karapatan dito kaya umalis ka na ! "
Susuntukin sana ni Sunny yung lalaki pero pinigilan siya ni Gold . Hindi ko alam kung anong nangyayari ...
Tumayo yung lalaki ng nakangiti . " so , kaya pala pinagtabuyan niyo ako dahil sakanya ? Pinagtabuyan niyo ako para makakuha kayo ng babae ? Tang ina ... hindi na kayo nakuntento sa mga shinota niyo ! "
Anong ibig niyang sabihin ? Kinuha nila ako para ... hindi . Alam kung hindi sila ganun .
" Tang ina mo ! Anong pinagtabuyan ? Kami nga ang iniwan mo ! Pagkatapos mong sirain ang RAIN ! PUTANG INA MO ! " napabitaw na si Gold sa pagkakahawak kay Sunny at nasuntok nanaman niya yung lalaki .
" Tama na Sunny ! " ako na ang pumigil sakanya . Tinignan niya ako . Kumalma siya . " tama na ... "
" Ang sweet naman . Siya naba yung nakama mo Sunny . Nice choice . "
Uminit yung ulo ko dun ah . Para gusto ko siyang suntukin .
Pero sinuntok siya ni Sunny . " Gago ka pala eh ! "
" Tama na Sunny ! " pinigilan na namin siya . Tumingin ako sakanya . " Umalis ka na dito . " ang lamig ng boses ko sa pagkakasabi ko niyan .
Ngumiti lang siya at tumayo . " Ok . "
Sabay umalis na siya . Naka hinga nako ng maluwag .
Pinaupo namin siya sa sofa . Pinatong niya yung siko niya sa hita niya . At hinilamos niya yung mukha niya .
Hindi ko alam kung anong nangyayari . Kung anong pinagsasabi nung lalaki na yun . I'm so curious about that .
" Bakit ba siya bumalik dito ? Tang ina gusto ko siyang suntukin hanggang sumabog na yung mukha niya ! "
" Sunny kumalma ka . Baka kung anong mangyari sayo . " sabi ko kay Sunny . " kukuha lang ako ng tubig . "
Tatayo sana ako pero hinawakan ni Sunny yung braso ko . " umupo ka . May pag uusapan tayo . "
Hindi ko alam kung anong pag uusapan namin pero nakaramdam bigla ako ng kaba .
Tinignan ni Sunny si Oreo . Para may sinasabi sila gamit ang mata .
" Kailangan mo nang malaman to eh . " sabi ni Sunny .
YOU ARE READING
By This Song ( On-Going )
Novela JuvenilThis song , is for you . Like I'm gonna choose you .