Chapter 27

1 0 0
                                    

Raven's Point of View

Nagising na lang ako dahil sa ilaw na tumama sa mata ko. Tinakpan ko ito gamit ang mata ko at umikot sa kabilang direksyon at yumakap sa unan. Nakaramdam ulit ako ng antok. Pero nadilat ang isa kong mata. Nakita ko ang hugis ng isang mukha.

Ramdam ko ang bigat ng mata ko. Sobrang antok ko ngayon dahil hindi ako nakatulog ng maayos.

Nakaramdam ako ng may humawak ng ilong ko. Umiling ako para alisin yun at isiniksik ang ulo sa unan.

"10 minutes Sky, 'wag mo nang paakyatin yung tatlong bibe sa kwarto ko, baba ako maya-ma—"

Napadilat ang mga mata ko. Ba—bakit ang bango ng unan ko kahit puro laway ko na. Tsaka bakit parang may matigas. Itinaas ko ang ulo ko at tinignan, hugis lang ng mukha ang nakikita ko. Kinusot ko ang mata ko at tinignan ulit.

"Put—AHHHHHH—"

"Shh, natutulog pa yung kambal, my queen, good morning." Bati niya sa malumanay na tono at nginitian niya ako.

Tumingin ako kung saan nakapulupot ang kamay ko. Jusko, yung bedsheet may laway! Para akong bata!

"You're like a kid." Sabi niya bago pinisil ang ilong ko.

Tinanggal ko na ang kamay ko pero hinawakan niya ito at iniyakap pa sakaniya, yumakap naman siya sa bewang ko.

"Nagising ako kaninang madaling araw, and I noticed na ganito ang posisyon natin. Akala ko ba ayaw mong yakapin ako? Hokage ka rin eh." Sabi niya sa malumanay na boses at may ngiti pa.

Ang bango bango ng hininga niya kahit halatang hindi pa pumupunta ng banyo. Kamusta naman sakin? Akam kong puro muta ako, oily face, may panis na laway at bad breath.

Kinusot ko ang mga mata ko at pinunasan ng gilid ng labi ko. Meron nga.

Bumungisngis siya. Napakagat naman ako sa labi ko. Tinakpan ko ng bunganga ko.

"Maghihilamos muna ako." Bumitaw ako sakaniya bago tumayo nagmadaling pumunta ng—

"Arrrrrgggggh!!! Hannah 'wag mo akong anakan tang inaaaa!" Sigaw sigaw ni Sunny. Jusko natapakan ko yung hita niya, buti hindi dun kundi wala na akong magiging inaanak sa susunod.

"Sorry Sunny! Buti hindi dun! Piste naiihi na ako! Sorry talaga!"

Nakahiga kasi sila sa sahig ni Gold, nahulog ang mga gunggong sa kakulitan.

"Puta ganun rin ba si Hannah? Jusko ang sakit... Hannah bear virgin pa ako don't worry!"

Gusto kong tumawa pero gusto ko nang magbanyo.

"Jusko Raven! Hindi ka na virgin noh! Jusko Raven! Humiga ka lang as tabi ni Oreo nawala na ang pagka birhen?!" Sisigaw sigaw ni Gold.

"What the fvk?!" Lumingon ako at tinignan kung ano ang pinagsasabi niya. Tumingin ako sa pajama ko. Jusko oo nga!

Inalis ni Gold ang kumot sa kama ni Oreo at jusko...

"Ra-raven—"

Agad akong pumasok sa CR. Talaga bang nawala? Pero papaano?

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now