Chapter 26

3 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Napapasulyap ako minu-minuto kay Oreo. Nakaupo ako sa sofa at kunwari may ginagawa sa cellphone, sina Sunny at Gold ay naglalaro ng PSP, at si Oreo naman ay nagbabasa.

Nakitang tiniklop ni Oreo ang libro. "Guys, practice na tayo. Tapos gawin niyo na mga assignments niyo. Ha? Kayong dalawa, gawin ang mga assignments, paturo kayo." Sabi ni Oreo.

Agad namang nagreklamo sina Sunny at Gold. Hindi sa ayaw nilang magpractice. Ayaw nilang gumawa ng assignments.

Nagpractice kami sa birit ko. Dahil dito ako lago pumipiyok at nauubusan ng boses. Minsan ay tumataas din ang boses ko kaya talagang nakakapaos kaya need kong ikalma ang boses ko.

"Osige so kailangan—"

Biglang napatigil si Oreo sa pagpapaliwanag nang umubo siya. Agad ko siyang binigyan ng tubig at pamunas sa pinangtakip niyang kamay.

Nagpaliwanag na si Oreo sa gagawin namin at kung ano ang susuotin. Siya ang minsan na naga-assist sa mga choreography, position at costume namin.

Pumatak ang ala-sais ng gabi ay pinauwi muna kami nina Oreo para makapaghanda ng gamit. Sumangayon kami dahil babalik din kami dito.

Andito pa lang kami, papalabas ng elevator sa lobby nang nasalubong na namin ang Frost. Tama ang BUONG frost.

Napangisi si Nhero. "Dito lang pala kita mahahanap, loli ko."

Narinig kong napaubo ang kambal sa inasal ni Nhero. Napasimangot naman ako.

"Long time no see darling." Bati ni Kiseop. Nginitian ko siya.

"Long time no see, Raven." Bati ni Alvin.

Napasulyap lang saakin si Ohpy at tinaasan niya ako ng kilay.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Uhh, dito kasi nakaconfine ang mama ni Alvin, dadalawin lang namin." Sabi ni Kiseop.

"Ahh, osige, ready naba kayo bukas?" Tanong ko ulit.

"We are, loli ko." Sabi ni Nhero bago kumindat.

"Sorry but we have to go." Pagputol ni Sunny nang hinila niya ako papuntang labas ng ospital.

"'Wag ko na nga kausapin yung mga 'yon, ang bo-boring kausap." Singhal ni Sunny nang makapasok kami sa SUV.

Napailing na lang ako. Well, ayaw niya parin kay Nhero, wala akong magagawa.

Pagbalik ko sa bahay ay nasalubong ako nina mama at Sky.

"Oh ate, ngayon ka lang ah." Bungad ni Sky pagpasok ko pa lang ng dinning room.

"Join us, anak. I akready prepared your food for the trip. Sorry anak we cannot join with you, because Sky will be going in a Field trip tomorrow." Paliwanag ni mama.

Ngumiti ako. "Ayos lang mama kasi sa Tuesday pa uwi namin, kailangan din umatend ni Sky sa klase."

Tumango na lang si mama bago ako lagyan ng plato at kanin.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now