Piggy-back ride
Nagising ako na may ngiti sa aking labi. I don't know what's into Brex. Pero, kahapon bago ako matulog, hindi ko na iniisip si Jezz. Hindi na rin ako umiiyak.
I'm hoping na sana magkita ulit kami ni Brex... I'm happy when I'm with him.
And it's weird kasi kahapon lang kaming unang nagkita pero, komportable na agad ako sakanya.
Matapos kong mag toothbrush at maghilamos, pumunta akong sala at nagulat ako nang nakita ko si Brex na nakaupo sa sofa at tumitingin ng tv.
Tumingin ako bigla sa pantulog ko, at bigla akong nahiya.
babalik na sana ako ulit ng kwarto para makabihis nang bigla siyang nagsalita.
"Ang cute mo pala pag bagong gising"
Nilingon ko siya and I fake smiled.
nagpatuloy nalang akong bumaba dahil magmumukha akong tanga kung babalik pa ako ng kwarto.
"what are you doing here?" nakangiti kong sabi.
"tsaka paano ka nakapasok?" dagdag ko.
"pinapasok ako nung matandang babae. Pinilit niya akong pumasok kaya, pumasok nlang ako" ani Brex.
Baka si Yaya Mary ang tinutukoy niya.
"tsaka pumunta ako dito kasi, I'm planning na yayayain ka sanang mag-jogging ngayon sa Green Park" he smiled widely.
jogging? magandang ideya yun. Tiningnan ko ang bintana at napansin kong hindi pa masyadong mataas ang araw at siguradong malamig pa sa labas.
"sge ba! wait, kumain ka na ba?" tanong ko.
"kumain na ako" ani Brex.
"sure?"
"yup" at tumango siya.
Iniwan ko siya doon at pumunta ako ng kusina. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor.
May nakita akong walong hotdog at mga tocino sa harapan na batid ko'y niluto ni Yaya Mary.
kung wala si Brex, kami lang dalawa ni Yaya Mary sa bahay. Kasi, si dad ay OFW while si mama naman ay nagtatrabaho sa Airport. 5am na siyang pumupunta sa trabaho.
Nilagyan ko nang kanin, hotdogs at tocino ang plato ko at kumuha ako ng mug at nilagyan ito ng fresh milk.
Dinala ko ang aking mga pagkain sa sala at nilagay ito sa mini table sa harap.
Napansin ko na tinitingnan pala ni Brex ang mga litrato na nakasabit sa dingding.
"mukha ka palang si Dora dati no?" pilyong sabi ni Brex.
Nilapitan ko siya at sinapak ko.
"Saan diyan?" iritado kong sabi.
"Ayun oh! yung maliit na babaeng may bagpack" tinuro niya ang batang may bagpack at bigla siyang tumawa.
"Hindi kaya! wag mo nga akong tawanan! urgh!" ani ko at sinapak ko ulit siya.
ininda niya lang ang sakit at tumawa ulit siya.
inirapan ko siya at bumalik nlang ako sa lamesa kung saan nandoon ang aking pagkain.
umupo ako sa sofa, at nagsimula nang kumain.
Nagulat ako nang bigla siyang natahimik, dumaan pala si Yaya Mary.
Tinitigan ng maayos ni Yaya si Brex mula ulo hanggang paa at pagkatapos, tumingin siya sakin.
"Good Morning po Yaya Mary!" bati ko sakanya.
Ngumiti siya sakin at tuluyan nang umalis.
"May crush ata saakin yung yaya niyo eh" ani Brex, sabay hawi sakanyang buhok.
"kapal mo!" I rolled my eyes.
Nang natapos na akong kumain, bumalik ako saaking kwarto at nagbihis na. Nagsuot ako ng sleeveless at leggings. Sinuot ko rin ang black and white ko na rubber shoes and then, I picked up my phone and earphones.
bumaba na ako papuntang sala at naabutan ko si Brex na kinakausap si Yaya Mary.
"oh, andyan na pala sya. Magingat kayong dalawa ah" ani Yaya Mary.
"ah sge po, Tara na Brex!" sambit ko and I pats his shoulder.
"feeling ko talaga, may gusto siya sakin" sabi niya nang nakalabas na kami sa gate.
"Tumahimik ka nga!" iritado kong sabi.
We jogged to the Green Park at nagpasya kaming puntahan ang lugar na pinuntahan namin kahapon.
"wait- Selfie muna tayo" sambit ko.
Kinuha ko kaagad ang phone ko at hinarap ko saaming dalawa.
"Wacky tayo?" ani Brex.
"sge, pero wag ka nang magpose kasi wacky na agad ang face mo" sambit ko, sabay lagapak ko ng tawa.
"Ah ganun pala ha!" at ginulo niya ang buhok ko.
We took 10 selfies. May fierce, smile at wacky. Mas vain pa sya saakin. grabe!
Habang nagjo-jogging kami papunta doon sa tagong lugar, bigla akong nakaramdam ng pagod.
"nauuhaw ako" agad kong sabi.
"wait for me" ani Brex at tumakbo siya papunta sa nagbebenta ng mineral water sa tabi.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang tumatakbo siya.
"here" ani Brex. Bumalik siya na may dala-dala nang dalawang bottle of mineral water. Ibinigay niya saakin ang isa.
"Thanks" ngitian ko siya.
ininom ko ang aking tubig at nagsimulang mag stretching.
"gusto mo ng piggy-back ride?" he smiles at me widely.
tumawa ako bigla.
"sgesge!!" excited kong sabi.
pinatungan ko ang isa sa mga benches sa tabi ko at tumalikod sya sa harap ko.
I jumped over him at pinulupot ko ang bewang ko sakanya.
I leaned my jaw on his shoulder at ngumiti ako sakanya.
"yatigidig-tigidig-tigidig! Go horsey!" sabi ko habang tumatawa.
"baliw!" nangingiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomanceJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...