Glad
Hinawakan ko ang Photo Album na regalo ni Jezz at itinapat ko ito saaking dibdib.
hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko, masyado na akong naguguluhan.
ano bang gusto mong ipahiwatig saakin Jezz? mahal mo ako? pero, hindi mo na ako kayang mahalin? o Mahal mo ako? pero, hindi mo ako pwedeng mahalin?
Hindi na kita maintindihan, Jezz.
Tumabi si Brex saakin at bumaling ako sakanya.
Nakita ko ang pasa sa bibig ni Brex at dumudugo pa ito.
Napagtanto kong galing pala ito sa suntok ni Jezz kanina.
"omyghod! masakit ba?" sambit ko sakanya habang hinahawakan ang bibig niya.
"medyo.., Pero okay lang. Ikaw naman kasi eh, masyado kang matatakutin." pilyo niyang sabi.
hinampas ko ang balikat niya at minura ko siya.
Tumawa lang siya ng malakas at iniwan ko na siya.
"diyan ka lang ha! kukunin ko lang yung first aid ko" pagkasabi nun ay umakyat na ako, habang dala-dala ko ang Photo Album.
pagkadating ko sa kwarto, kinuha ko ang isang malaking box sa ilalim ng aking kama na naglalaman lamang ng mga regalo saakin ni Jezz.
Binuksan ko ito para ilagay doon ang photo album ngunit bago ko pa iyon inilagay, pinagmasdan ko muna ang mga worth remembering na mga gifts ni Jezz saakin.
Kinuha ko ang isang red rose na umiitim na ang gilid na nagpapahiwatig na nalalanta na ito.
Hinawakan ko ang rose na iyon at inamoy ko.
Naalala ko yung una niya akong binigyan nito. It was Valentines Day, back then.
It was monday morning, pumasok ako sa classroom at pagdating ko saaking upuan, may nakalagay na isang rose at isang sticky note na may nakasulat na,
Laging Valentines Day ang araw ko, pag kasama kita. I love you Jewel<3
ang estilo pa lang niya sa pagsulat, alam ko na agad na si Jezz ang gumawa nito.
napangiti ako knowing na, mahal na mahal niya ako, at mahal na mahal ko rin siya.
Kinuha ko rin yung isang bondpaper na may nakaguhit na couples at nakaupo sila sa ilalim ng puno habang minamasdan ang magandang tanawin sa kanilang harap at may nakasulat sa taas na, "Happy Monthsary". Iniregalo niya saakin ito nung 3 months palang kami.
ngunit ang nagpakuha ng atensiyon saakin, ay ang kwintas na ibinigay niya saakin nung nag 1-year na kami.
pinapunta niya ako sa isang resort dahil may ipapakuha daw siya.
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomanceJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...