Chapter 17

30 2 1
                                    

Pay

Tinitigan ko muna ang message na sinend saakin ni Marco at agad ko naman siyang nireplyan.

"Hi" reply ko.

hindi nagtagal, nagreply agad siya.

Marco: "Thanks for accepting my friend request. :)" reply niya.

umayos ako sa pagkakahiga at nireplyan ko ulit siya.

"wala yun. Ikaw yung nasa Mogu?" Reply ko kahit klaro naman na siya yun. I just want to clarify.

Marco: "yup. What a coincidence, magkakilala pala kayo ni Brex?" tanong niya.

I yawn. Gusto ko nang matulog.

"Oo, bestfriend ko si Brex. By the way, log out muna ako. Sleepy na ako eh" I replied.

kinuha ko ang aking kumot at nagsimula nang kumutan ang aking buong katawan. Ang lamig talaga sa loob ng kwarto.

tumunog ang aking phone at bumungad saakin ang reply ni Marco.

Marco: "okay miss pretty. Sleep tight :)"

kumunot ang aking noo at binalewala nalang ang kanyang reply. I turned off my phone at nagsimula nang matulog. He's weird.

2 and a half hour akong natulog. Nagising lang ako dahil sa tawag saakin ni Yaya Mary.

"Jewel! may bisita ka" rinig kong sigaw saakin galing sa baba ni Yaya Mary.

tamad akong bumangon pagkatapos ay kinusot ko ang aking mata. Inisip ko na baka si Brex lang yung nasa baba.

Inayos ko ang aking sarili pagkatapos ay dali-dali na akong bumaba. I'm still sleepy.

"Brex-"

naputol ang sasabihin ko nang may isang babaeng nasa 40 pataas na ang edad ang bumungad saakin. Singkit ang kanyang mga mata at nakasuot siya ng mamahaling damit at sapatos with matching white pearls on her ears and neck. Ang galante niyang tingnan. At, Kamukhang-kamukha niya si Rio.
Hindi kaya...

"Hello iha" sambit niya. She's so beautiful and classic.

"You're Jewel right? Jewel Delfranco?" tanong niya.

Lumapit saakin si Yaya Mary at hinawakan niya ang aking braso. Mariin din niyang tinitigan ang babae na para bang iniinspeksyunan niya ito.

"opo, ako nga po yun, bakit po?" pilit akong ngumiti.

"well, I'm Celine Vasquez. I'm the mother of Rio Vasquez. You know her, don't you?" itinaas niya ang kanyang kilay.

Tama nga ang hinala ko. Anak niya si Rio. At ano naman ang ginagawa niya dito? nandito ba siya para sumbatan ako sa pagkawala ng apo niya? jusko. Jewel, What have you gotten into?

"Opo. Kilala ko po siya" mahinahon kong sabi. Nagiingat na baka may masabi akong mali sa harapan niya.

"Anyways, nandito ako para sabihin sayo na nagdudurusa si Rio dahil sa pagkawala ng kanyang anak. At sobra akong nasasaktan sa nangyayari. And this time, I want you to know that I hate you to hell.. Dahil unang-una, sinaktan mo ang anak ko. Pangalawa, pinatay mo ang apo ko." seryoso niyang sabi. Her red lips formed into line.

"Grabe ka! kaya mo yung gawin para lang makuha mo ulit si Jezz sakanya? You know what, masaya na sana sila eh. But here you are, trying to ruin their relationship. Tapos dinamay mo pa ang bata? Dinamay mo pa ang apo ko?"

sumikip ang aking dibdib. Hindi totoong pinatay ko ang apo niya. At wala akong planong sirain kung ano man ang meron silang dalawa ni Jezz. I'm not that desperate. Hindi ko na kaya ang pinagsasabi niya.

sasagutin ko na sana si Mrs. Celine, nang biglang nagsalita si Yaya Mary.

"Teka! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mamamatay tao si Jewel." sigaw niya sa babae.

"Jewel" humarap saakin si Yaya Mary. "May dapat ba akong malaman?" sumeryoso ang kanyang mukha.

"Ate, it's not what you think. Wala po akong pinatay. All of it was just an accident. Kung alam ko lang... Kung alam ko lang na buntis pala si Rio" sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.

hinawakan ni Yaya Mary ang aking magkabilang braso. "Alam kong wala kang gagawing masama Jewel. Mabuti kang tao. Pero, hindi ko maintindihan. Buntis? Rio? wala na ba kayo ni Jezz?" naguguluhan niyang sambit.

"Stop this nonsense! Listen" tinuro ako ni Mrs. Celine. "Kahit ano mang sabihin mo, I don't effin care. And I just want you to know that you have to pay, Jewel. You hurt my daughter and you kill my son! So, you must pay! do you understand?" galit na galit niyang sabi saakin...

itinulak ni Yaya Mary si Mrs. Celine. "Lumabas ka sa pamamahay na ito! At wag ka nang babalik pang muli!" ani Yaya Mary.

mahinhing inayos ni Mrs. Celine ang konting gusot sakanyang damit pagkatapos ay isinuot niya ang kanyang sunglasses.

"magkikita pa tayong muli, Iha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here and HereAfter #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon