Face the consequences
nagpaalam na ang lalaki at tuluyan na nga siyang umalis.
umupo na sa harapan ko si Brex at nginitian niya ako.
"kilala mo siya?" tanong ko kay Brex. Habang minamasdan ang paglakad nung lalaki palabas ng Café.
"oo naman. Classmate ko siya dati, at naging ex-girlfriend rin niya si Rio. Yung pinsan ko" sambit niya habang nakatingin sa menu.
"naging girlfriend niya si Rio?" gulat kong sabi.
"yup. Patay na patay nga yun kay Rio dati eh. Pero, sabagay maganda naman talaga si Rio. We can't deny it" He shrugged.
I rolled my eyes at him. Hindi nga sya Maganda! Maputi lang siya!
"pero, Brex. Bakit kilala ako nung lalaki?"
"Hindi ko rin alam" he shrugged.
"Baka nagkita na kayo dati, hindi mo lang natatandaan" dagdag niya.I nodded. Siguro nga, pero hindi naman siya pamilyar saakin.
Tumayo si Brex at sinabing mag-oorder lang siya.
"Gusto mo ng icecream cake?" tanong niya.
"No. I'm fine with this" sabi ko. Sabay turo ko saaking milkshake.
Umalis siya and I waited for him.
Natulala ako at nagulat ako ng may biglang nagtext.
I opened my phone at bumungad saakin ang text ni Jezz..
from Jezz:
Jewel, What have you done?
sumikip ang aking dibdib at tinakpan ko ang aking bibig. What does that mean? Naging totoo ba ang hinala ko na may nangyari nga sa, baby? Gosh! Jezz won't surely forgive me, and I bet I won't forgive myself either.
You're heartless, Jewel.
Bumalik si Brex na may dala-dala nang donut and milktea at hindi ko napansin na lumuluha na pala ang aking mga mata.
Napansin niya ang aking pagluha. Nilapag niya ang kanyang mga dala sa mesa at umupo siya sa harap ko.
"Jewel, are you alright?" sambit ni Brex habang hinahawakan ang aking braso.
"No Brex" pagsasabi ko ng totoo.
Bumuntong hinga si Brex.
"why? what's happening?" sambit niya habang mariin niya akong tinitigan.
"Inaway ako ni Rio, kaya pinatulan ko siya" humikbi ako.
"kaya... naitulak ko siya sa hagdanan. Pagkatapos nun,.. Nabigla nalang ako ng may dugo nang umagos sa binti niya.. Kaya dun ko nalaman na buntis pala siya." dagdag kong sabi. Tinakpan ko ang aking mukha.
"H-hindi ko alam na buntis pala siya, Brex" humikbi ulit ako.
lumaki ang kanyang mata.
"shit! bakit hindi ko alam yun? tsaka, sinong ama?" tumingin siya saakin na parang may hinala na siya kung sino...
"Si Jezz, Brex.. Si Jezz" bumuhos ulit ang aking mga luha.
Sa tuwing naalala ko talaga na buntis si Rio, dahil kay Jezz. Nasasaktan talaga ako.. Kakahiwalay lang namin tapos nakabuntis na agad siya? Tsaka, ilang months na ba ang baby? Posible ba na baka nakabuntis na siya kahit kami pa?
Bigla akong napatingin sa cellphone ni Brex na nagri-ring. Na tila, may tumatawag sakanya.
bumungad saakin ang pangalan na, Cousin'Rio.
Kinuha agad iyon ni Brex at sinagot. Mariin ko siyang tiningnan.
"hello?... sino to?!... Is she okay?.. shit,.. okay" sunod-sunod na sabi ni Brex habang kausap ang nasa cellphone.
Hindi nagtagal ay binaba na niya ang kanyang phone.
"ano raw sabi, Brex?" sabi ko habang lumalakas ang pintig ng aking puso.
"kasi.. Jew-"
"Ano nga Brex? please.. Tell me" pagpuputol ko sakanyang sasabihin. Gusto kong sabihin na niya agad sakin ng diretso.
bumuntong-hinga si Brex at tumingin siya saaking mga mata.
"wala na ang baby" sabi niya sabay iling.
Niyakap ako ni Brex at tuluyan na ulit akong umiyak... I'm sorry Jezz, I'm sorry Rio, I'm sorry Baby.
"shhh, tahan na Jewel, aksidente lang ang lahat. It's not you're fault"
umiling ako.. No, Brex. I've ruined someone's life.
"umuwi na muna tayo Jewel. Alam kong pagod ka na" sambit ni Brex.
umiling ako.
"No Brex, pupunta ako sa hospital. And whatever happens, I will face my consequences. Even if it means they'll hate me to death"
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomanceJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...