Chapter 15

11 1 0
                                    

Leave

Narinig ata ni Jezz ang pagsigaw ni Rio sa labas, kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng kwarto.

lumapit si Jezz sakanya at niyakap niya ito.

Napakasakit nilang panoorin. Yung pakiramdam na nasa harap mo yung taong mahal mo, pero may kayakap na siyang ibang babae. At nakakainis isipin na hindi ako pwedeng umangal, dahil wala na akong karapatan, hindi ko na pag-aari si Jezz. And besides, kasalanan ko kung bakit sila nagkakaganito.

umiwas ako ng tingin, hindi ko sila kayang tingnan.

"Jezz, what happened to our baby? Is she alright?" maamong sabi ni Rio..

narinig kong bumuntong hinga si Jezz...

"She's gone, Rio" marahang sabi ni Jezz.

lumunok ako.

"No,.. No.. You- You're kidding.. right?"

"She's gone" pagsasabi ulit ni Jezz.

Sumigaw at umiyak ng malakas si Rio.. Alam ko na hindi niya matatanggap ito...

"Jezz!! No! Our baby is alive, okay?!" pasigaw na sabi ni Rio.

Niyakap ulit ni Jezz si Rio ng mahigpit..

"Wala na siya Rio.."

Nabigla ako ng itinapon ni Rio ang Flower Vase at mga prutas sa tabi niya, pati na rin ang mga puting unan.

"It's not true!!" sigaw niya.

"Rio, calm down we-"

pinutol ko ang sasabihin sana ni Jezz.

"I'm sorry, Rio" sambit ko, habang si Brex at Jezz ay mariin akong tinitingnan. Tumayo ako.

Napalingon saakin si Rio at halatang nagaalab ang galit niya sakin.

"What are you doing here?! How dare you to come here? Matapos mong patayin ang aking anak, may gana ka pang pumunta dito! Umalis ka!! Napakawalang hiya mo!!" sambit ni Rio.

ang sakit-sakit pakinggan na sinabi niya saakin na pinatay ko ang kanyang anak... At mas masakit isipin na totoo ngang napatay ko ang kanyang anak..

"tama na!" nabigla ako sa sigaw ni Brex.

"Hindi iyon sinasadya ni Jewel. Mabuti siyang tao at kung alam lang niya na buntis ka, hindi ka niya papatulan! And besides, Ikaw naman ang nauna diba? She's just protecting herself" sambit niya kay Rio.

"bakit ka ba nagagalit saakin Brex? Pinsan kita, kadugo mo ako. At ako ang nawalan ng anak dito, hindi siya!" tinuro niya ako.
"tapos, siya pa ang kakampihan mo!? pwes! Magsama kayong dalawa!"

"Tama na, Rio. Itigil na natin ito, wala rin naman tayong patutunguhan dito. Wala na ang baby, at kahit anong sabihin nating lahat, hindi na muli nating maibabalik ang buhay ng bata" Jezz said coldly.

Nakokonsensiya ako saaking nagawa, malaki ang naging perwisyo saaking nagawa kay Rio. Pati buhay ng bata, nadamay. At alam ko na kahit hindi sabihin saakin ni Jezz. Alam kong galit siya saakin.

Wala na akong ibang ginawa pa, lumapit ako kay Rio at hinawakan ko ang kanyang kamay, umiyak ako sa harapan niya.

"I'm sorry, Rio. Alam kong hindi ako madaling patawarin sa ganitong sitwasyon dahil bilang ina, mahirap mawalan ng anak. And I swear, araw-araw akong susundan ng aking konsensya." humikbi ako at pinunasan ko ang ang aking mga luha.

"Rio, all I want is your forgiveness pero kung hindi mo pa kayang ibigay ito, handa akong maghintay Rio." dagdag kong sabi.

Itinaas niya ang kanyang isang kilay at hinawi niya ang aking kamay na nakahawak parin sa kanyang right hand.

"Wag kang magsalita sa harap ko na parang isang santo! Alam kong tuwang-tuwa kana ngayon dahil nawala na ang anak namin ni Jezz!" mataray niyang sabi.

lumaki ang aking mga mata at dagling umiling.

"Rio, kahit kailan hin-"

"CAN YOU JUST LEAVE?!" She cried.

hinawakan ni Jezz ang kanyang ulo na mukhang nasstress na sa mga nangyayari.

"umuwi na muna kayo Jewel, please" marahang sabi ni Jezz saakin.

yumuko ako at hinila na ako ni Brex..

"Tara na Jewel.. Let's go home"

I nodded.

Here and HereAfter #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon