Photo Album
Tumagal ang pagsasama namin ni Brex, naging matalik kaming magkaibigan at dahil dun, mas lalo ko siyang nakilala.
Kakalipat lang pala nila sa Monterola Heights kaya hindi pamilyar ang mukha niya. Nakilala ko rin ang pamilya niya.
Doctor ang kanyang papa samantalang ang kanyang ina naman ay isang teacher. Nalaman ko rin na may kambal pala siyang kapatid. Puro babae.Mapagbiro ang kanyang ama kaya naisip ko na baka nagmana si Brex sakanya. Ang ina naman niya ay maputi at chinita na naimana niya kay Brex.
Naging malapit ako sa pamilya ni Brex lalong-lalo na sa kanyang kambal na kapatid na 6 years old na sina Joy at Happy.
May singkit din silang mga mata katulad kay Brex and they have white skin na kasing kulay ng kanilang ina.
Kasulukuyan kaming nandito ni Brex sa sala namin, nanonood ng horror movie.
Habang nanonood, may isang palabas na nagpagulat saakin.
Napayakap ako kay Brex. Tumawa si Brex ngunit pagkayakap ko,
mas lalo akong nagulat nang
biglang pumasok si Jezz."Jezz?!" napasigaw ako sa gulat.
ngumiti siya saakin. Ngunit nang nakita niyang nakapulupot ako kay Brex ay biglang nagiba ang kanyang ekspresyon at nahulog niya ang kahon na dala niya.
dumilim ang kanyang paningin at dali-dali siyang lumapit kay Brex.
Kinuwelyuhan niya si Brex at sinuntok niya ito sa mukha.
Napatakip ako saaking bibig. Sa gulat ko, itinulak ko si Jezz palayo.
I turned off the TV
"Ano ba! Ano bang nangyayari sayo!" sigaw ko sakanya. Habang nasa likod ko si Brex at nagulat din sa pangyayari.
"kaka-hiwalay lang natin, ipinagpalit mo na ako agad? minahal mo ba talaga ako?" sambit niya.
bigla akong nagalit, ang kapal nang mukha niyang pagsabihan ako ng ganyan!
"anong karapatan mo para tanungin ako ng ganyan? Kaibigan ko lang siya at minahal kita Jezz! Minahal kita! Pero anong ginawa mo? sumuko ka kaagad! Napakahina mo! Napakaduwag mo! Kung alam mo lang kung gaano ako nagdusa at nasaktan sa ginawa mo saakin!" sigaw ko sakanya. Umiyak ako ng umiyak.
Lumapit siya sakin at bago pa siya makasalita, sinampal ko siya.
"That is for leaving me" seryoso kong sabi.
simampal ko ulit siya sa kabilang pisngi.
"and that is for loving me without knowing that you'll just hurt me in the end"
yumuko siya at hinawakan niya ang kanyang pisngi.
Masakit para saakin na makita siyang nasasaktan sa ginawa ko, pero mas masakit isipin ang ginawa niya saakin. Because it takes days, months and years... Before it heals.
Humikbi ako at nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit.
and this time, I felt his skin, his touch and his soul na matagal ko nang gustong maramdaman.
And I realized that until now, mahal na mahal ko parin siya at walang ibang lalaking makakapantay ng pagmamahal ko sakanya.
I hugged him back.
Dahil gusto kong kahit ngayon lang.. mayakap ko siya, maamoy ko siya at maramdaman ko siya.
Gusto kong maramdaman ang lalaking minahal ko noon at hanggang ngayon.
Matagal kaming nagyakapan hanggang sa nakalimutan ko na meron pa pala si Brex sa likod ko.
"I love you Jewel, but I can't.."
anong ibig niyang sabihin?
pumiglas ako sa pagkakayakap at hinarap ko siya.
"what do you mean?" sabi ko na naguguluhan.
Hindi niya ako sinagot and instead, he kissed my forehead at kinuha niya ang kahon na nahulog niya kanina sa sahig at binigay niya saakin.
I opened the box at nakita ko ang isang photo album.
binuhol ko ang ribbon na nakapalibot sa album at binuksan ko ito.
Bumungad saakin ang aming mga litrato together. Mga masasayang alaala naming dalawa.
May isang litrato nung first date namin, at yung first new year at Christmas na magkasama kaming dalawa.
May litrato din na nakasakay ako sa likod niya at yung litrato na nagpapahiran kami ng icing sa cake nung birthday ko.
I opened the other page at marami pang bumungad saakin na mga litrato.
Napaiyak ako at hinarap ko siya.
"I want you to know that I still love you with all my heart, I love you Jewel" sambit ni Jezz habang hinahawakan niya ang kamay ko.
"but-" magtatanong pa sana ako tungkol sa sinabi niya kanina pero tuluyan na siyang umalis.Hinarap ko si Brex saaking likod at napaupo ako saaming sofa.
Tuluyan na akong naguguluhan...
I love you Jewel, but I can't"....
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomansaJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...