OWNED
Papunta kami ngayon ni Brex kasama ang kanyang kambal na kapatid sa Green Park.
Dala-dala namin ang isang maliit na bike nila Joy at Happy dahil napagpasyahan namin ni Brex na turuan silang magbike tutal wala naman kaming maisip na gawin ngayon.
hawak-hawak ko si Happy sa left hand habang si Brex naman ay hawak-hawak si Joy sa left hand din at sa right hand naman ay ang bike.
while walking, Happy pokes my arm.
liningon ko siya at nakita kong itinuro niya ang isang nakaputi na lalaki at nagbebenta ng ice cream.
"You want Ice cream?"
"yes yes!" sabi niya habang tumatango at nakangiti na abot tenga.
"wish granted" ngumiti ako sakanya.
"ikaw Joy? gusto mo rin ng ice cream" tanong ko kay Joy.
"opo opo opo!" paulit-ulit rin niyang sabi.
papunta na sana kami doon sa nagtitinda nang biglang nagsalita si Brex.
"ako na jewel. Mas kabisado ko kasi yung flavor na gusto nila" sambit niya.
"sge. I'll just wait here" kinuha ko ang bike na dala ni Brex at umupo ako sa isa mga bench sa tabi.
Tinignan ko ang aking damit kung may dumi ba ako.
Nakasuot ako ngayon ng printed t-shirt and ripped jeans tapos sinuot ko rin ang converse shoes na bigay ni papa sakin nung december.Chineck ko ang phone ko kung may nagtext ba, but as usual, puro GM's lang at pangungumusta nila mama at papa ang natatanggap ko. I was expecting of someone, like Jezz..
I was opening my FB account nang may biglang kumalabit sakin.
tumingin ako doon sa kumalabit at nakita ko ang mga close friends ko na sina Rea at Butch(bakla)
"Hiiiiii!" tumayo ako at bineso sila isa-isa.
Namimiss ko na sila. Alam din nila na naging kami ni Jezz.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rea habang sinusuklay ang kanyang mataas na buhok gamit ang kanyang kamay. Hanggang ngayon maganda parin siya at mas lalo itong tumitingkad lalo na't maputi siya.
"ano ka ba? dito na ako nakatira!" sambit ko
marami pa kaming pinagusapang tatlo, hanggang sa dumating na si Brex at ang kanyang mga kapatid na may dala-dala na ring icecream.
ngumiti ako sakanya at sandali nilang pinasadahan ni Butch at Rea sina Brex.
"wait-by the way, wala na kayo ni Jezz?" ani Butch.
natigilan ako. Paano nila nalaman?
"paano niyo nalaman?"
"so, totoo nga?"
tumango ako.
"Well, nakita kasi namin si Jezz na may babaeng kasama. Akala nga namin ikaw yun" dagdag niya.
"sayang naman. Bagay pa naman kayo"
Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nilang sinabi, basta ang tanging pumasok lang sa utak ay
"Nakita kasi namin si Jezz na may babaeng kasama"
biglang sumikip ang dibdib ko.
Nasasaktan ako, hindi lang dahil sa pinalitan na niya ako rin kundi dahil rin sa wala na akong karapatang magselos."b-baka n-naman k-kaibigan niya lang yun?" nauutal kong sabi.
"ano ka ba! may kaibigan bang naghahalikan?" ani Butch.
"nako, I have to go. Tinatawag na ako ni mama. Bye Jewel!" sambit ni Rea habang niyayakap ako.
I fake-smiled.. Hindi ako makagalaw ng maayos. Nanghihina na talaga ako. Parang gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa aking kwarto buong araw..
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sila kasi sigurado akong hindi yun magagawa ni Jezz saakin..
Pero posible yun diba?
Nagsawa na ba siya sakin? Ganun ba ako kadaling kasawaan?
They waved goodbye at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
"Seeing is believing, Jewel" ani Brex at ngumiti siya sakin.
I nodded.
I opened my cellphone para icheck kung anong oras na nang biglang bumungad saakin ang aking FB app na may nakapost sa pinakataas ng news feed na picture ng babaeng may caption na My Everything . Siya ay maputi, naka-off shoulder at naka short na masyadong maliit. At nakahawak ang kamay niya kay...
"Jezz" sambit ko.
Narinig iyon ni Brex kaya tiningnan niya ang phone ko at katulad ko, nagulat din siya.
"si Rio" halos pabulong niyang sabi.
"ha? sinong Rio?"
"yung babae. Siya si Rio. Pinsan ko siya sa Mother side" bumaling siya sakin.
"Pero, bakit sila magkakilala ni Jezz?" dagdag niya.
Hinawakan ko ang aking sentido at napaupo sa bench.
Masyado na akong nalilito and at the same time, nasasaktan.
Nasasaktan dahil wala nang KAMI. kaya wala na rin akong karapatan na sumbatan siya.
Na kahit nasasaktan na ako, all I could do is just see him being owned by someone else.
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomanceJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...