Chapter 11

25 4 2
                                    

BITCH

Nasa loob na ako ng Daphopel Heights at nasa harap na ako ng mismong bahay ni Jezz.

Agad kong ibinigay ang 200 pesos sa driver at ibinigay naman saakin ang sukli.

Bumaba ako at inayos ko ang aking mini dress. Bumuntong hinga ako at pinindot ko na ang doorbell.

Hindi nagtagal, may babaeng nagdadala ng walis at binuksan ang kulay grey na gate saaking harapan.

"Hi Ate Mercy!!" bungad ko sa babaeng nasa harapan ko na ngayon. Siya ang matagal nang naging yaya nina Jezz. Dahil lagi akong labas-masok sa bahay nila Jezz, naging malapit narin ako kay Ate Mercy. Atsaka, madali rin siyang pakisamahan dahil 5 years lang ang pagitan ng edad namin.

"Namimiss na kita! Bakit hindi kana madalas pumupunta dito?" bungad niya sakin habang yakap-yakap niya ako.

Hinarap ko siya at sinabing "busy ako eh" kahit hindi naman talaga.

"nandiyan ba si Jezz?" tanong ko. Habang palinga-linga sa loob ng bahay nila. Nagbabaka sakaling makita ko siya.

"Ah oo. Meron, pasok ka"

binuksan niya ng mas malawak ang gate at tuluyan na akong pumasok.

"Alam mo, hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sakanya. Gabi-gabi umiinom siya ng alak. At lagi siyang lasing. Tapos, kung ano-ano nalang ang mga pinagsasabi niya na katulad nalang ng, ang 'tanga-tanga raw niya' at 'gago daw siya'. Tapos lagi niyang sambit ang pangalan mo." kwento niya.

"May problema ba kayong dalawa?" tanong niya at hinarap niya ako.

Napatigil ako at nagulat sa sinabi ni Ate Mercy. Nalulungkot ba siya at nagsisisi sa ginawa niya? pero bakit kailangan pa niya akong hiwalayan? Mahal pa ba niya ako? o nag-aassume lang ako?

"Naku, may lalabhan pa pala ako. Kung gusto mo, puntahan mo si Jezz sakanyang kwarto. Lagi naman yung nakatambay doon eh. Halos hindi nayun lumalabas ng bahay. sge, kita nalang tayo mamaya. Bye!" ani Ate Mercy at tuluyan na nga siyang umalis.

Binalewala ko muna ang mga iniisip ko at agad akong pumunta sa kwarto ni Jezz. Tutal, wala namang tao sa loob.

Pumunta ako sa taas at pumunta sa pintuan ng kwarto ni Jezz kung saan, kabisadong-kabisado ko na.

Kumatok ako sa pintuan sabay tawag ng pangalan niya. Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan.

At imbis na si Jezz ang nakita ko,
bumungad saakin ang babaeng nakatowel lang ang buong katawan at halatang bagong ligo pa siya. Hawig niya rin ang mukha sa babaeng nakita ko sa picture kahapon.

si RIO

nagulat ako sa presensiya niya sa loob mismo ng kwarto ni Jezz.

"sino ka?" tanong niya saakin habang nakataas ang isang kilay.

akala mo naman kung sinong maganda. Maputi ka lang!

bago pa ako makasalita, biglang bumungad saakin si Jezz na walang damit pangtaas.

Bigla akong nanghina. I pictured out many negative scenes sa utak ko na, how I wish hindi naging totoo. Dito ba natulog si Rio? May nangyari ba sakanilang dalawa?

Humarap si Jezz saakin na gulat na gulat ang mukha.

"Jewel?" sambit niya.

"gusto sana kitang kausapin, kaso baka nakakaistorbo ako sainyong dalawa" ngumiti ako ng mapakla.

Biglang tumulo ang aking luha at tumakbo ako palayo. Ayokong makita ni Jezz na umiiyak ako. Na hanggang ngayon, nalulungkot parin ako sa nangyari saaming dalawa.

At yung kanina? halata naman na doon natulog si Rio sa kwarto ni Jezz kasi doon rin siya naligo. Pwede namang kasing matulog si Rio sa Guest Room nila at maligo na rin.

Oo, aaminin ko. Nagseselos ako. Na yung tipong kahit tabihan lang ng ibang babae si Jezz, nagseselos na agad ako. At yung naiisip ko kanina na posible namang mangyari, hindi ko na kinaya.

sinundan ako ni Jezz pababa ng hagdanan pero wala na akong pakealam sakanya. I hate him!

mabilis si Jezz kaya nahablot niya agad ang braso ko. Hinawi ko ang kamay niya pero sadyang malakas talaga siya.

Hinarap ko siya at napansin ko na mabilis siyang nakabihis ng pangtaas.

"bitawan mo ako Jezz! ano ba!" sumbat ko sakanya.

"diba gusto mo akong kausap? Magusap tayo Jewel, please" marahan niyang binitawan ang braso ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"please, Jewel"

"Oo. Nandito ako dahil nakita ko ang picture niyong dalawa ni Rio kahapon. Gusto kong klaruhin ang lahat, dahil sabi mo mahal mo ako. Pero, nung nakita ko kanina..." humikbi ako.

Yung.. yung, nakatowel lang si Rio tapos ikaw, wala kang suot na pangtaas! Hindi ko na kaylangan klaruhin pa. Hindi ko na kaylangan itanong pa sayo na may relasyon na kayong dalawa. Napaka-unfair mo Jezz..."

"Oo, wala na akong karapatan na sumbatan ka dahil hindi na kita pag-aari. Pero, sana man lang respetuhin mo ako. Respetuhin mo yung naging relasyon natin dati. Kakahiwalay lang natin tapos ngayon may bago ka na?"
hindi ko na kinaya kaya umiyak na ako ng malakas.

Hinampas ko siya at minura. I hate him! I hate you Jezz!

"sge. saktan mo lang ako Jezz. Tutal, deserve ko naman to eh, dahil napakagago ko." halos pabulong niyang sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit at tuluyan na rin siyang umiyak.

"YOU BITCH!" nagulat ako sa malakas na sigaw galing sa babae. Napatingin ako kung saan man galing yun at nakita ko si Rio sa taas ng hagdan. Nakabihis na siya at tinuro-turo niya ako. How dare her?

Mabilis siyang lumapit saakin at hinablot niya ang buhok ko. Masakit ang paghablot niya kaya nainis ako.

Hinablot ko rin yung sakanya at sinampal-sampal ko ang mukha niya. You deserve that, bitch!

Lumapit si Jezz saamin at inilayo ako ni Jezz kay Rio.

"Rio! Tama na!" sigaw niya.

"Sinampal niya ako Jezz. Hindi ka ba naaawa sakin?" maamo niyang sabi.

"Ikaw ang nauna Rio! Tumahimik ka!" sumbat niya kay Rio. hinarap ako ni Jezz at nagtanong.

"Are you okay?" I nodded.

Tiningnan ako ni Rio at nagiba ang ekspresiyon ng mukha niya. Galing sa maamo, ngayon mas nanlilisik ang mga mata niya.

Nilapitan niya ulit ako at sinampal niya ako.

"Bitch ka talaga!" sambit niya.

hinablot niya ang buhok ko pero hindi ako nagpatinag. Kinurot ko ang gilid niya kaya nabitawan niya ang buhok ko.

"How dare you! Ikaw ang bitch! Hindi ako!" sambit ko.

Sinampal ko ulit siya at itinulak ko siya ng malakas.

Nadulas at napahiga siya sa hagdanan.

Mabilis na lumapit si Jezz sakanya na parang isang mababasaging plato si Rio.

Humingal ako at nagulat ako nang may mga dugong tumulo sa binti ni Rio.

"Jezz!! yung baby natin!" umiyak si Rio at mabilis siyang kinarga ni Jezz.

Napatakip ako saaking bibig..

Jezz!! Yung baby natin!

buntis si Rio? at ang ama ay si... Jezz?

shit..

Here and HereAfter #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon