time heals pain
sinamahan ako ni Brex sa pagpunta ko ng hospital and I thank him for that dahil sa palagay ko, kaylangan ko ng kasama ngayon.
nasa loob kami ngayon ng taxi at hinawakan niya ang aking kamay.
"Chill ka lang Bestfriend" ngumiti siya saakin..
napansin niya ata na nanginginig ang mga kamay ko.
tumango ako at pilit na ngumiti. "Don't worry, nandito lang ako sa tabi mo" sabi niya.
"Thankyou" halos pabulong kong sabi.
Nakadating na kami sa hospital at tuluyan nang pumunta sa kwarto na sinabi ni Ate Mercy kung saan sila mismo ngayon. Nauna na kasi siyang nakapunta dito.
malapit na kami sa kwarto at naaninag ko si Jezz na nasa labas ng kwarto at mukhang balisa, nakakuyom ang kanyang kamao. Shit!
Humawak ako ng mahigpit kay Brex, natatakot ako sa maaring sabihin saakin ni Jezz..
"gusto mong umuwi nalang muna?" tanong ni Brex saakin habang papalapit na sa kwarto.
mariin kong tinitigan si Jezz at umiling. Bumuntong hinga si Brex at ngayon ay malapit na kami kay Jezz.
"Jezz, can we talk?" halos pabulong kong sabi.
lumingon siya saakin at biglang naging maamo ang kanyang mukha. No Jezz, please be angry with me. Ayokong nagagalit ka saakin ng patago, mas nahihirapan ako.
tumalikod siya at umupo sa isa sa mga upuan sa tabi. He combed his hair with his right hand.
umiling siya, "Jewel, ayaw muna kitang kausap. I'm not in a mood. Kung gusto mo, pumasok ka sa loob. Nandoon si Ate Mer-"
"Jezz, I'm sorry. Alam kong galit ka saakin, ramdam ko iyon. Pero sana man lang, wag kang ganito. Magalit ka saakin Jezz. Sigawan mo ako, saktan mo ako, sabihan mo ako ng masasakit na salita. Okay lang saakin. Dahil alam kong hindi pa iyon sapat sa pagkawala ng anak mo,... ng anak niyo.... ni Rio" yumuko ako at pinunasan agad ang aking mga luha na kanina pa tumutulo.
"Jew-"
Napansin ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto sa harap ko at nakita ko si Ate Mercy na binubuksan ang pinto.
"Jewel? oh, andyan kana pala" sambit niya at bineso niya ako.
I smiled at her.
"Gusto mong pumasok?" tanong niya.
"tara na, Jewel" ani Brex.
tiningnan ko muna si Jezz and I bite my lips. Gusto ko pang makausap si Jezz pero sa palagay ko, hindi ito ang tamang pagkakataon. Tuluyan na akong pumasok sa loob kasama si Brex sa likod ko.
Naaninag ko sa loob si Rio na mahimbing na natutulog sa kama.
"Is she alright?" tanong ko kay Ate Mercy kahit halata naman na hindi siya okay.
umupo si Ate Mercy at tumabi ako sakanya habang si Brex naman ay nakatayo sa gilid ko..
"Honestly Jewel, hindi. alam mong masakit ang mawalan ng anak" yumuko ako.
"Pero, wag kang magalala Jewel, mapapatawad ka rin ni Rio.. Hindi man ngayon pero sa takdang panahon" dagdag ni Ate Mercy. Hinawakan niya ang aking braso.
"Pero ate, paano naman si Jezz?" tanong ko habang pinagmamasdan si Rio na natutulog.
"Time will heal pain, Jewel. Atsaka, naniniwala akong mahal ka pa ni Jezz. Kilala ko na siya, Jewel. At halatang-halata para saakin na mahal ka parin niya"
Bumuntong hinga ako. Hindi.. Hindi totoo iyan. Dahil kung mahal talaga ako ni Jezz, hindi niya ako basta-basta iiwan. At kung ano man ang rason kung bakit niya ako iniwan, edi sana man lang ipinaglaban niya ako. Ipinaglaban niya ang relasyon namin. Atsaka, bakit hinayaan niya na may mangyari sakanilang dalawa ni Rio? It's just only mean na, hindi ako mahal ni Jezz...
Nabigla ako nang biglang sumigaw si Rio... Gising na siya...
"Jezz! Jezz! Where are you?? Where's our baby!!"
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
Roman d'amourJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...