Nice Meeting You
Iniikot naming dalawa ni Brex ang buong Green Park. Ako yung nagbibisikleta at siya naman ay nasa likod ko, nakasakay.
Minsan naman, tumitigil kami sa tapat nang Wishing Fountain ng Green Park at pinapakain ang mga pigeon na nakakalat lamang sa buong park.
Kumakain rin kami ng streetfoods pag may madadaanan kaming nagbebenta.
Magkasama kaming dalawa buong araw.
Ang sarap niyang kausap. Yung tipong, hindi ka mauubusan ng topic pag siya ang kasama mo. Ang sarap lang sa feeling..Napagod kami sa kakaikot, kaya pumunta muna kami sa mini playground ng Green Park. Ito ay may dalawang slides, Isang Monkeybar at tatlong swings.
Brex helped me park my bike pagkatapos, umupo ako sa swing.
umupo rin si Brex sa swing katabi ng akin.
kinuha ko ang phone na nilagay ko saking bulsa kanina. I swung myself at chineck ko kung anong oras na, and then I noticed na kanina pa pala may nagtext saakin.
Jezz:
Jewel...
Napatingin ako sa taas habang pinipigil ang pagtulo ng aking luha..
Hanggang ngayon, kahit makita ko lang ang pangalan niya, nasasaktan parin ako.
Siya parin talaga.. Hindi ko siya pwedeng makalimutan nang basta-basta nalang.
He has been a part of my life and I can't change that.
"are you okay?" ani Brex. Nang napansin niyang bigla akong natahimik.
Pinunasan ko ang luha kong kanina pa lumalabas at nilingon ko siya. Tiningnan ko ang singkit niyang mga mata.
"I'm not okay, but it's okay..." sambit ko. Tiningnan niya akong mabuti at seryoso niya akong tinitigan..
Oo.. Okay lang, kahit masakit, Okay lang. Kahit mahirap, okay lang. Kahit malungkot, okay lang.
Dahil dadating din ang panahon na makakalimot din ako. Na tatawanan ko nalang ang mga katangahan ko. Time heals pain.
"halika, may pupuntahan tayo" ani Brex.
pero bago pa ako makaangal, hinila na niya ako. Isinakay niya ako sa likod ng aking bike and this time, siya na ang nagbisikleta.
"Humawak ka ng mabuti" ani Brex at ngumiti siya sakin.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero, pinabayaan ko nalang siya.
Idinala niya ako sa isang tagong lugar ng Green Park. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito. Maganda at sariwa ang hangin.
Dito mo makikita ang buong mukha ng Monterola Heights.
I closed my eyes and widened my arms. Umikot-ikot ako habang dumadampi saakin ang hangin ng Green Park.
"Nagustuhan mo ba?" ani Brex.
tumigil ako sa pag-ikot at hinarap ko siya.
"sobra" ngiti ko sakanya.
"di ko alam, may ikagaganda pa pala ang Green Park" dagdag ko.
Umupo siya sa ilalim ng puno at tumabi ako sakanya.
"Sa tuwing malungkot ako, dito ako palaging pumupunta. Dito ko ibinubuhos lahat ng poot at galit ko. Sumisigaw ako ng malakas ng malakas dito. At kapag masyado na akong nasstress, tatambay lang ako dito sa punong ito, at iiyak ako. Para pagbalik ko, masaya na ulit ako. I really love this place Jewel" ani Brex. At ngumiti siya sakin.
I brushed my hair with my hand at tiningnan ko siya.
"sa tingin mo ba, pag ginawa ko yun, magiging masaya rin ako?"
tanong ko sakanya."try it, wala namang mawawala diba?" ani Brex.
ngumiti ako sakanya at tumayo ako.
at walang pagaalinlangan na sumigaw ako.
"I HATE YOU JEZZ! I HATE YOU! FUCK ALL YOUR PROMISES! FUCK ALL YOUR COMMITMENTS! FUCK YOU!" sigaw ko.
umiyak ako ng malakas, inalala lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa. Lahat ng tawanan at asaran.
inaalala ko ang lahat ng sinabi niya saakin na hindi niya ako iiwanan at hindi niya ako sasaktan.
inaalala ko rin kung gaano ako napaniwala at nagpakatanga sakanya.
We were almost unbreakable, we were almost perfect. But I realized that we were just almost.
Humikbi ako ng humikbi, hanggang sa nawalan na ako ng lakas.
umupo ako sa tabi niya at hinarap ko siya.
"bakit kailangan ko pang masaktan, Brex? bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito. Hindi ba pwedeng puro love nalang? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang? No Hatred, No Regrets?" pabulong kong sabi.
Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay...
"Jewel, minsan kailangan nating masaktan, para matuto tayong lumaban. At alam ko na malalagpasan mo to. Nakikita ko iyan sa mga mata mo. Matatag ka Jewel" seryoso niyang sambit habang nakatingin siya sa mga mata ko.
Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit..
Nagpapasalamat talaga ako na nakita ko ang lalaking to. Nice meeting you, Brex.
BINABASA MO ANG
Here and HereAfter #Wattys2016
RomanceJewel Delfranco is a girl who had been broken, hopeless and damaged. She was incomplete, She was shattered. Until one day, she met a guy. With his witty personality, his lively voice and sarcastic words. He made her world go round, AGAIN. But is it...