Aura (Mentor: Fuurinkazan)

315 8 7
                                    

#GenerationOfMiracles

*Phrewtas

*krizsx

Number of words: 2,064

November 2, 2013 (2:35 P.M.)

--------------------

PhrewTas’ Part

"Aura? Halika na dito, maglalaro tayo." Naririnig ko ang isang lalaki na tinatawag ang pangalan ko, narito ako sa loob ng madilim at masikip na cabinet at nagtatago. Takot na takot ako.

"Aura, ayaw mo ba maglaro?" Nakasilip ako mula sa mga butas ng cabinet na pinagtataguan ko, nakikita kong dinadaan-daanan niya ang mga katawan na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling mga dugo, labas ang ibang lamang loob at nakabuka ang ibang parte ng katawan.

Papalapit na siya sa cabinet na aking pinagtataguan, isa siyang matangkad na lalaki, may hawak itong patalim at nakaitim ito, nakangiti ito na parang demonyo at tila natutuwa sa nakikita niya na mga bangkay na nasa sahig.

Nakita ko kung paano niya sila pinatay. Pinagsasaksak niya ng madaming beses ang Nanay at Tatay ko sa iba't-ibang parte ng katawan at pinagbubuka, dinukot niya ang nga lamang loob ng mga ito, hinati-hati din niya ang bituka ng mga magulang ko.

Nakita ko rin kung paano niya punitin ang bibig ng aking ina,tinusok niya ng patalim ang pisngi nito at unti-unti itong binuka hanggang sa mapunit na din ang bibig ng ina ko. Nakita ko din kung paano niya dinukot ang mata ng tatay ko, tinusok niya ito sabay pinaikot-ikot ang patalim na nakatusok sa mga mata nito at saka niya tinanggal ang patalim ng unti-unti, dinukot niya ang mata ng tatay ko sa pamamagitan ng kanyang mga kamay nang hindi niya ito makuha ay pinunit niya ang nasa gilid ng mga mata nito.

Nakita ko din kung paano niya patayin ang Ate at kuya ko, ginahasa niya muna ang ate ko bago ito saksakin sa pagkababae nito at hinati, sinaksak niya rin ito sa binti at binalatan pababa, pinutol din niya ang nipples ng ate ko, nakita ko pa itong gumulong sa sahig.

Ang kuya ko naman ay itinali niya sa upuan, sinabunutan niya ito para mapatingala, kumuha siya ng kandila at sinindihan ito, sabay pinatakan niya ang kaliwang mata ng kuya ko ng kandila. Naririnig ko ang mga sigaw at pagmamakaawa nila, nararamdaman ko ang sakit at takot na nadarama nila, ngunit wala akong magawa. Nakayakap lamang ako ng mahigpit sa aking Manika habang umiiyak, pinipigilan kong kumawala ang mga hikbi mula sa aking bibig at iniiwasan kong gumawa ng kahit anong ingay.

"Andito ka lang pala." Binuksan nito ang cabinet na pinagtataguan ko, nakatayo ito sa harap ko at nakangiti na parang demonyo. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Punong puno ng dugo ang kanyang nga kamay at ang hawak niyang patalim.

"Maglalaro tayo," sabi nito habang tumutukod at ipinapatong ang dalawang kamay sa kanyang mga tuhod.

"Ganito, maglalaro tayo ng tagu-taguan," pagpapaliwanag nito habang ako ay nakayakap pa din sa aking manika.

"Pero eto ang rules." Nakikinig lamang ako habang siya naman ay pinagmamasdang mabuti ang hawak niyang patalim.

"Magtatago ka at dapat hindi kita mahanap. Pag nahanap kita, may consequence ka pero pag nanalo ka, may prize ka. Ano? Game ka ba?"

Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Oh sige, bibilang ako nang sampu at dapat nakatago ka na." Tumalikod na siya sa akin at nagsimula nang bumilang ng sampu.

"Isa." Tumabo ako mula sa cabinet sa kwarto ng mga magulang ko papunta sa kusina.

Pagdating ko doon ay nakita ko ang kuya ko na nasa upuan na nakatali at may mga patak ng kandila ang kaliwang mata.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now