Let's Play A Game (Mentor: writerwannabe143)

256 11 17
                                    

#WriterWannaBes

*AnonymousThatGirl

*Iammissinfinite

*Bluezela

Number of words: 8, 192

November 4, 2013 (8:39 P.M.)

------

Let’s Play a Game (Group B- Team Writer Wannabes)

(Joyselle’s Part aka @AnonymousThatGirl)

"Yuri...ayoko sa Sebastian High School. Gusto ko sa St. Harris." Maktol ni Yuna sa kapatid.

"Si Papa ang magdedesisyon..." Kalmado namang sabi nito habang ito’y nakaupo sa kanyang kama.

Sinugod kasi siya ni Yuna sa kanyang kwarto para magmaktol. Bago silang lipat at masyadong malayo ang school na dating nilang pinapasukan.

"Hay. Pwede mo naman sabihin yun kay Papa kasi mas close kayo." Pinaikot ni Yuna ang kanyang mga mata.

"Bakit close din naman─" Protesta sana ni Yuri, na agad namang pinutol ng kapatid.

"Oh come on, Yuri. Don't make me look stupid. Halata namang hindi kami magkasundo ni Papa di’ba? Gosh, Yuri. At naturingan ka pa namang matalino." Galit na sabi nito.

"Yuna hindi─" Naputol muli ang isa pa sanang protesta ni Yuri nang biglang tumalikod si Yuna at nagsimulang maglakad paalis. Pero huminto naman ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Lagi na lang ganyan, Yuri. Ikaw na lang ang pinabibigyan ni Papa. Paano naman ako?" Pahayag nito, at pagkatapos ay agad na itong umalis.

***

Isang magandang umaga para kay Yuri ang araw na ito dahil ngayon ang unang araw na kung saan ay papasok na sila.

"Mama! Si Yuna po ba nagising na?" Nakangiting tanong nito sa kanyang ina.

"Hindi pa. Gisingin mo na nga iyon at ibigay mo na yung hinihintay niya." Tumango naman si Yuri.

Wala siyang hinintay na minuto para pumanhik. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto habang may dalang parihabang box. Nakita naman niya ang kanyang kapatid na tulog na tulog pa rin.

Ipinatong niya ang kanyang dala na box sa higaan nito, at siya’y napangiti dahil alam niyang matutuwa ito kapag makita ang laman nun. Dahan-dahan din siyang bumaba pagkatapos, dahil maaga pa naman para gisingin ang kapatid.

Ilang minuto ay nagising na rin si Yuna. Habang nag-uunat ay naanininag niya ang puting box.

"Ano 'to?" Ang nagtatakang tanong niya sa sarili. Naningkit ang kanyang mata at dahan-dahan niya itong nilapitan.

"Hala. Baka mamaya bomba na pala 'to." Muling sabi niya sa sarili. Unti-unti niyang binuksan ang kahon, at agad na napangiti sa kanyang nakita.

Ang uniform ng St. Harris Academy.

Kinuha niya ito, niyakap at masayang umikot. Pagkatapos ay naligo agad siya, nag-ayos, at bumaba papunta sa kanilang hapag-kainan, may malaking ngiti nakalapat sa kanyang mukha.

"Good morning, Yuna." Nakangiting bati ni Yuri sa kanya. Mas lalo siyang nagging masaya nang makitang ngiting-ngiti si Yuna.

"Morning, Ma. Morning din, Yuri." Saad naman ni Yuna.

Nagsimula na silang kumain, at mabilis na tinapos ni Yuna ang pagkain niya dahil excited na talaga siyang pumasok.

"Alis na ako." Nagmamadali at masayang sabi ni Yuna.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now