Deadly Lust (Mentor: TrinieRomualde)

280 9 12
                                    

#TeamBehave

*NettleSky9669

*lapisnawalangtasa

*YouLovelyAyah

Number of Words: 

November 4, 2013 (7:15 P.M.)

----------

NettleSky9669’s Part

  Nagising ako sa matinding lamig na aking naramdaman.  Napansin kong naiwang bukas ang bintana, kaya naman agad akong bumangon upang isara ito, ngunit bago ko pa mahila pasarado ang bintana nakarinig ako ng iyak ng isang babae.

  Lumabas ako ng bahay upang hanapin ang iyak na aking narinig, ngunit huni na lamang ng insekto ang aking narinig. Bigla na lamang akong may mabigat na naramdaman, na para bang may mga matang tumitingin sa akin, kinilabutan ako.

Biglang kumikisap-kisap ang ilaw mula sa lamp post malapit sa gate ng bahay  na di nag laon ay tuluyan nang namatay. Pagkaraan ng isang minuto ay muling nagsindi ang ilaw na parang walang nangyari, bagkus ay parang lumiwanag pa iyon.

Sinuri ko ang paligid nang mapansin kong may isang babaeng nakatayo sa gate ng bahay. Nakatingin ito nang direkta sa mga mata ko.

Lumapit ako sa gate upang lapitan ang babae. “Hi,” bati ko. “Anong maitutulong ko sa’yo?” tanong ko sa babae. Nakasuot ito ng dirty white shirt na nabahiran ng mantsa ng dugo ang damit na nag mumula sa mga sugat niya sa katawan na parang kinutsilyo. 

Pero hindi nagsalita ang babae at naglakad ito paalis. Hindi pa nakalalayo ang babae nang lumingon ulit ito sa akin. Animo’y nagpapahiwatig na sumunod ako.

Binuksan ko ang gate at sinundan ang babae. Nang maabutan ko ang babaeng nakaputi, napansin kong may kasama na itong babae. Na kasuot ito ng itim na damit. Nang makalapit ng husto’y napansin kong humihikbi pala ito. Tumingin ng diretso sa mga mata ko ang dalawang babae.

Hindi agad ako nakapagsalita sa puntong iyon. Labis-labis ang pagtataka sa isip ko at hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ng dalawang babae sa lugar na ito at kung bakit sila nakatitig sa sa akin nang ganoon—tila may nais silang sabihin.

Nakaramdam ako takot.

“T-tulungan… mo kami… pakiusap,” anang babaeng nakaputi sa malamig na boses.

“P-pa-paano ko kayo ma-t-tutulungan,” nanginginig na tanong ko.

Sa halip na sumagot, inulit lamang ng babae ang unang sinabi nito. Sinundan iyon ng paglaho nito at ng babaeng nakaitim.

Nabigla ako sa nangyari. Napunta ako sa isang lugar na hindi ko pa napuntahan, nakaramdam ako ng takot nang makita ko ng tuluyan ang mansyon.

Hindi pa ako nakakalapit sa pinto ng mansyon nang bigla na lamang nagkaroon ng nakasusulasok na amoy na nang galing sa bahay. Masakit sa ilong. Parang amoy iyon nang ng isang sunog na…katawan ng tao.

Papalapit na ako sa pintuan ng mansion, nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Nagulat ako at napaatras sa aking kinatatayuan.

Pansamantalang tumigil ang mundo ko.  Tanging pagtibok na lamang ng aking puso ang  naririnig ko.

Dahan-dahan ang pag bukas ng pintuan at unti-inti kong nasisilayan ang paglabas ng isang babaeng duguan may mga sugat ito na mistulang kinutsilyo sa iba’t ibang parte ng katawan nito na animo sinaksak na maraming beses. Muling bumukas ang pinto at lumabas mula doon ang babaeng may nabubulok nang katawan, tumutulo pa ang napakabahong tubig mula sa katawan nito, ang mukha nito’y nabubulok na, inuuod, at nakakatakot.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now