DIE-ary (Mentor: Fuurinkazan)

241 6 5
                                    

#GenerationOfMiracles

*Euro14

*MzYenah

*StickyNoteGirl06

Number of words: 1,823

November 4, 2013 (6:36 P.M.)

-------------

DIE-ary

Euro14 – MzYenah – StickyNoteGirl06

 

 

*StickyNoteGirl06*

 

Entry : October 31, 2013

 

Kagabi. October 30, 2013. Hindi ko alam pero totoo ba lahat ng nangyari sa akin. Alas-syete iyon ng gabi ngunit nasa labas pa ko kasama ng aking mga kaibigan. Dahil sa bakasyon naman kaya napili naming maglaro hanggang sa mga oras na iyon. Naglaro kami ng taguan at ako ang naging taya. Hindi ko naman alam na iba pala ang aking mahahanap.

 

“Nasan na kaya yung mga ‘yon?” Napakamot ako sa aking ulo dahil sa pagkayamot. Kanina pa ako naghahanap sa aking mga kalaro pero ni isa wala pa akong nakikita. Ang lupit namang magtago ng mga iyon.

Lumapit ako sa isang malaking drum ng tubig na naroon at sinilip kung may nagtatago. Iniangat ko ang takip ngunit bigo ako. Wala akong nakita. Isinara kong muli iyon at nagpatuloy sa paghahanap.

Napadaan ako sa tapat ng kinatatakutang pagawaan. Mga ilang taon na rin sigurong abandonado iyon. Marami ang mga nagsasabing ang mga napapagawing tao doon ay namamatay. Di naman ako naniniwala dahil wala pa naman akong nakikitang biktima. ‘To see is to believe’ ika nga ng isang pilosopo. Panakot lang siguro iyon ng may-ari para hindi pasukin ng kung sino-sino ang pagawaan.

Aalis na sana ako ng may narinig akong mga hagikgik. Napangiti ako. Siguradong isa iyon sa aking mga kalaro. Galing iyon sa bakuran ng pagawaan. Dahan-dahan akong lumapit sa gate. Lumusot ako sa malaking butas na naroon upang makapasok sa bakuran ng pagawaan. Madilim ang paligid dahil napakalayo ng poste ng ilaw na siyang tanging nagbibigay liwanag.

Naglakad-lakad ako sa bakuran ng pagawaan upang hanapin ang kalaro ko.

“Wala naman dito eh.” Nasabi ko ng ilang minuto na rin akong naghahanap. Lalabas na sana ako ngunit narinig ko na naman ang hagikgik at pagtawag sa aking pangalan.

“Arellies…” Sabi ng tinig ng isang babae.  Napalingon ako sa pintuan ng pagawaan. Lumangitngit iyon nang mabuksan. Marahil ay doon nagmula ang tinig. Nagdalawang-isip ako kung papasok ba  o hindi. Ngunit pinili kong pumasok dahil tinatawag na naman ako ng tinig.

“Arellies…” Mas mahina iyon kaysa kanina pero abot pa rin  sa aking pandinig. Nang pumasok ako ay umalingasaw ang isang napakasangsang na amoy. Higit pa iyon sa pinagsama-samang amoy ng medyas, patay na daga at nabubulok na basura. Halos masuka ako sa amoy.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now