Retreat (Mentor: crunchh)

389 7 13
                                    

#TeamCrunchhers

*BlueViolet6043

*mostwantedwriter

*anime_addicts

Number of Words: 4982

November 2, 2013 (9:33 A.M.)

--------------------

BlueViolet6043’s Part

“Okay class, we will have our retreat this coming Thursday, I need your parents to sign this form.” Isa-isang binigyan ni ma’am ang mga nasa unahan ng silya ng form. Mabilis naman iyong naipasa sa amin. “It is stated there that you are allowed to join our retreat. I need those papers on Wednesday. Okay class, see you tomorrow. Good bye.”

Mariin kong pinagmasdan ang hawak hawak na papel na binigay sa amin ni ma’am.

Sasama ba ako?

Nasa tabi ko na pala ang kaibigan kong si Mark at inagaw sa akin ang hawak kong papel.

“Exciting! Katulad ulit ng dati ah!” nilapit niya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong “Play a game on someone that he or she will never forget.” kinilabutan ako sa mga sinabi niyang ‘yun kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

“Shut up!” napahampas ako sa lamesa dahilan para tignan kami ng mga kaklase namin.

Dahil sa sobrang pagka badtrip ko kay Mark, lumabas na lang ako ng classroom at dumiretso sa CR. Kaso, naroon ang mga estudyanteng maaarte sa loob kaya hindi na lang ako tumuloy. Sa halip, tumungo ako sa dating palikuran ng mga estudyante sa likod ng school.

Habang ako ay naglalakad, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Isang malakas na ihip ng hangin ang aking naramdaman. Napatigil ako at lumingon sa paligid. Walang katao tao pero pakiramdam ko para bang may kanina pang nakamasid sa akin.

Guniguni ko lang siguro iyon.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi pinansin ang kanina pang kabang nararamdaman. Ilang sandali pa at nakarating na rin ako sa CR. Hindi na ako nagtaka kung bakit ako lang ang tao roon. Dahil nga sa lumang CR na ito, hindi na ito madalas pinupuntahan ng mga estudyante.

Pumasok ako sa loob at humarap sa isang malaking salamin. Inalis ang kaunting alikabok sa isang parte doon para makita ang sariling repleksyon. Isang pag iyak ng babae ang nangibabaw ng mga sandaling yun. Pinakiramdaman ko ang pag iyak na yun. At sigurado akong nasa loob ng isang cubicle nanggagaling ang pag iyak. Dahan dahan kong inilakad ang mga paa ko papunta sa unang cubicle. Nakaawang ang pinto nito kaya nakita kong walang tao roon.

Sino naman kayang broken hearted girl ang nag eemo dito dito?

Isa-isa kong tinignan ang cubicle pero wala akong nakitang tao. Nasa may pinaka huling cubicle na ako nang tumigil ang pag iyak ng babae. Sa isip-isip ko baka natauhan na sa kaartehan niya sa boyfriend niya. O baka naman naramdaman niyang may iba palang taong nandito.

Hindi ko na lang ito pinansin. Bumalik ako sa harap ng salamin at kinuha ang lipgloss sa bulsa ko. Ipapahid ko na sana yun sa labi ko nang dumulas ito sa kamay ko at nagpa gulong gulong sa sahig. Mabuti na lang at natapakan ko kaagad iyon para tumigil sa pag gulong. Sa pagyuko ko, paa ng isang babae ang nakita ko. Hindi lang basta basta paa dahil paa ito ng isang babaeng nakalutang sa ere. Napansin ko kasi kaagad ang dulo ng palda nito na kaparehang kapareha ng akin.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now