Eres Proximo (Mentors: SymphonyMusic & mslotusbright)

457 24 17
                                    

#TeamKalokohan

*SexyBabeKo

*justmainey

*ZenGarden

Number of Words: 5911

November 2, 2013 (9:07 A.M.)

-----------------------------------

SEXYBABEKO’s part:

Napabalikwas sa kaniyang pagkaka-upo si Aura nang maramdamang tumunog ang kaniyang telepono. Agad niya itong kinapa sa kaniyang bulsa at inilabas. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumawag, ang kaniyang ina. Dagli niya itong sinagot, hindi niya maitago ang kasiyahan sa kaniyang boses.

"Mom, sakay na po ako ng bus papunta sa sitio," turan niya. Alam niyang ito ang unang gustong malaman ng kausap, kung ligtas ba siyang nakababa ng eroplano at kung nasaan na siya. 

"Mabuti naman. Pero Aura, pwede ka pang umatras. Hindi ka ba natatakot na diyan mag-trabaho? Of all places naman, ‘nak, bakit Cebu pa? Masyadong malayo sa'min," sabi ng kaniyang ina sa mahina ngunit may diing boses. 

"Mom, ngayon pa ba ako aatras? You know I can handle myself. Bata pa lang ako, ito na ang gusto ko. Gusto kong maging psychiatric mental health nurse. At ngayon, natupad na. Ngayon pa ba ako magdadalawang-isip?" usal niya. Hindi niya maiwasang malungkot para sa ina, ngunit kapag nagdesisyon siya sa isang bagay ay ginagawa niya ang lahat para panindigan ito. Kaya nga kahit alam niyang ikasasama ng loob ng kaniyang ina ang desisyong sa Cebu magtrabaho ay hindi siya nagpatinag. 

"Okay," pagsuko nito. "Ikaw ang bahala, anak. Take care of yourself. You know I'm just a call or text away. Hindi kami mag-aatubiling pumunta diyan ng daddy mo kung kinakailangan," dagdag nito. 


"Yes po. I love you, Mom," yun na lamang ang nasabi niya bago tapusin ang tawag na iyon. 

Bumuntong-hininga siya at naisip ang kaniyang pamilya. May kaya ang pamilya nila, iyon ang isang bagay na hindi maikukubli. Ngunit alam niyang kailangan din niyang tumayo sa sariling mga paa, at hindi niya magagawa iyon kung sa Maynila siya magta-trabaho. Kaya kahit mahirap sa kalooban ay pinili niyang sa Sitio Maragundong, kung saan nakatayo ang Cebu Center for Mental Health o CCMH, makipagsalaparan. 

Natigil ang kaniyang pag-iisip nang may tumapik sa balikat niya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Nang lingunin niya ito isang dalaga ang nakita niya, nakakulay itim ito itong saya at nakatali ang mahaba nitong buhok. Ngitian niya ito ngunit iniwas nito ang tingin sa kaniya saka ito nagsalita.


"Anong sitio ang pupuntahan mo?" tanong nito na ikinabigla niya.

Nagtataka man ay sinagot na lamang niya ito, "Maragundong, sa CCMH."

Nakita niya ang pag-arko ng kilay at pagngisi nito kaya napatitig na lamang siya rito.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Eres próximo," bulong nito. Hindi niya maitindihan ang sinambit nito kaya tinanong niya kung ano ang ibig nitong sabihin, ngunit umiling lamang ito at muling nagwika, "Mag-ingat ka. Wala ka nang ibang magagawa kundi mag-ingat."

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now