TRAPPED (Mentor: @stuckindreamworld)

659 12 19
                                    

#TeamHumble

-dark_king20

-ForgottenKismet

-yilin04

Number of words: 4859

November 1, 2013 (8:11 P.M.)

--------

dark_king20’s part

 

FIRST PERSON’s POV

 

Tahimik, maaliwalas, maganda at presko ang hangin. Mga deskripsyon na tumutugma sa aming probinsya. Matagal na akong ‘di nakakabalik dito sa aming baryo, simula nang mag-umpisa akong manirahan sa lungsod. Ibang-iba ang probinsya sa lungsod, dahil sa lungsod ay masyadong maingay, magulo, hindi kaaya-aya at marumi ang paligid. Napagpasyahan ko na tumuloy muna sa dati kong pinanggalingan para makaiwas sa magulong mundo.

Kabababa ko lang sa terminal ng bus, papunta ako sa bahay ng lolo at lola ko. Lumaki ako dito sa aming baryo kaya kabisado ko ang bawat sulok ng lugar na ito maliban na lang kung nagkaroon ng pagbabago noong ako ay nawala. Mula sa terminal ng bus ay lalakarin ko ang landas papunta sa bahay nila lolo’t lola. Medyo malapit lang din naman ang terminal sa kanila kaya mas pinili ko ang maglakad saka isa pa, gusto ko makita ang mga pagbabago sa aming baryo. Papalubog na ang haring araw sa kanluran, nagiging kulay rosas na ang kalangitan. Ang malamig na ihip ng hangin ay isang hudyat na papalapit na ang pagsapit ng gabi.

Naglalakad ako sa kalsada kung saan ito ang aking kinalakihan, tuwing ako ay papasok sa eskwela noong elementarya at high school ay itong daan na ito ang aking tinatahak. Marami akong mga magagandang alaala na binabalikan sa kalsada na ito. Walang masyadong dumadaan na mga sasakyan dito, kahit mga taga-baryo na naglalakad ay wala. Mistulang abandonado ang buong baryo, walang bakas ng mga tao ang mararamdaman mo. Sa ‘di kalayuan ay nakakita ako ng isang batang lalaki, medyo payat  ang bata at maliit, nakasuot ito ng maluwag na puting sando at itim na shorts. Habang ako ay papalapit sa kanya ay tumawid ito sa kabilang parte ng kalsada sabay tingin sa akin.

“Kuya!” sigaw ng bata sabay kaway sa akin.

Tumakbo ito patungo sa kakahuyan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay sinundan ko ang batang lalaki. Agad akong tumakbo para masundan ito. Mula sa likuran niya ay nakikita ko kung paano kabilis ito tumakbo, napakabilis ng pagtakbo niya para sa isang paslit. Sa isang iglap lamang ay naglaho sa aking paningin ang batang tumatakbo, hindi ko na mahagiliap kung nasaan ito, palinga-linga ako sa iba’t ibang direksyon nagbabakasakali na makita ko ang batang lalaki. Hindi nagtagal ay may narinig akong tumawag sa akin.

“Kuya tulungan mo ako!”

Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa akin. Nakita ko ang batang lalaki na sinusundan ko.

“Bakit bata? Anong maitutulong ko sa’yo?” tanong ko sa batang lalaki.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now