Elevator (Mentor: TrinieRomualde)

324 11 8
                                    

#TeamBehave

*AmIGoodOrAmIGood

*eroplane

*OnyXavia

Number of Words: 3,277

November 4, 2013 (8:00 P.M.)

--------

ELEVATOR

@eroplane’s Part:

“Diyan lang sa kanto, mama.”

Kanina pa naaalibadbaran si Ara sa paligid— mula sa bahay na pinanggalingan niya, sa taxi, o kahit sa hitsura ng hotel na pupuntahan niya.

Puno ng mga nagtitinda ng kendi at sigarilyo sa paligid ng daang binabagtas nila. Isang tanawing hindi niya kailanman magugustuhan. Marahil dahil iniisip niyang maaring mabahiran ng madudumi nilang kamay ang porselana niyang kutis.

Tumigil ang sinasakyang taxi sa harap ng isang hotel. Agad niyang binuksan ang pintuan at lumabas. Lumabas din naman ang drayber, pumunta sa likuran at kinuha ang mga gamit ni Ara. Pagkatapos, nag-abot si Ara ng isang libo sa drayber.

“Sobra-sobra naman itong binigay mo. Wala ka bang barya?”

“Keep the change,” saad niya sa drayber at agad na siyang umalis sa harapan nito.

 “Good evening, Ma’am. Welcome to De ‘la Merced Hotel,” anang receptionist nang makapasok na siya ng hotel. Nakasuot ito ng orange na blouse at pulang palda. Nakasuot din ito ng glasses at nakalugay ang buhok. Sabayan pa ng matamis na ngiting abot-tenga.

“Gusto kong mag-stay. One week. Kasama na ang pagkain at iba pa,” mabilis na sinabi ni Ara.

Agad namang tumipa sa keyboard ang receptionist at humarap sa monitor. “So Ma’am, you’re staying for seven days. Full course? May gusto pa po ba kayong idagdag?”

Umiling ang dalaga. Nilabas niya ang credit card ng kanyang tatay. Kananakaw lamang niya nito bago siya umalis. Para naman magpakasasa ako sa perang mapapasa ‘kin rin, aniya sa sarili. Binigay niya iyon sa receptionist at ini-swipe ito.

“Ma’am, Room 476 po, 14th floor.”

Naglayas ang dalaga at hindi niya gugustuhing bumalik sa bahay nila. Naaalidbaran siya sa mga mukha roon— mga gahaman, walang pakialam, at swapang. Mas mabuti pang manirahan siya nang mag-isa kaysa makasama ang mga taong iyon.

Pero alam niya sa sarili niyang hindi iyon ang totoong dahilan ng kanyang paglayas. Gusto niyang hanapin ang sarili. Gusto niyang magkaroon ng silbi ang buhay niya. Gusto niyang    

Pinindot ng receptionist ang bell sa tabi ng computer nito. Ilang minuto lang ang lumipas, may dumating na isang room attendant at kinuha ang mga gamit niya. Ayon sa receptionist, dadalhin daw ang mga ito sa kwarto niya.

Binigay ng receptionist ang nakatakdang susi para sa kanyang kwarto. Agad niyang nilisan ang hotel para magsaya. Tumungo siya sa isang kilalang bar na malapit lamang sa hotel na iyon.

Alas-onse na ng gabi ngunit nasa bar pa rin si Ara, lumalaklak ng vodka. Gusto niyang magpakasaya. Gusto niyang maging malaya kahit sa gabing iyon lamang. Gusto niyang humigit sa limitasyon niya. Gusto niyang mabuhay nang naaayon sa gusto niya.

Ininom niya na ang ikaapat ang huling bote ng vodka niya. Kumuha siya ng isang Marlboro na puti na kabibili niya lang at sinindihan sabay lumabas. Sa bigat ng ininom niya ay pasalamat siyang nakakapaglakad pa siya.

Habang naglalakad siya, nakita niya ang mga tindera ng rosaryo, sampaguita, at mga kandilang pang-dasal. Hindi pala kalayuan doon ang simbahan.

“Miss, bili ka naman ng sampaguita ko,” pagmamakaawa ng isang nagtitinda. “Para sa Diyos at mga Santo.”

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now