Stop Over (Mentor: stuckindreamworld)

222 6 6
                                    

#TeamHumble

*YellieSamar

*cupcakewithsmiles

*InnocentPen

Number of wrods: 1,847

November 4, 2013 (8:17 P.M.)

--------

“Stop Over”

(YellieSamar’s Part)

     ON the way sila patungo sa kanilang fieldtrip nang masiraan ang sinasakyang bus. Kinailangan nilang tumigil sa isang gasoline station upang mapaayos ang makina ng sasakyan. Bumaba muna sila para kumain ngunit ang magkaibigang Gina at Leigh ay humiwalay upang gumamit ng palikuran. Habang naglalakad sila ay palingon-lingon si Leigh na parang may hinahanap. Napalingon siyang muli nang may naramdaman siyang kakaiba. Tinanong siya ni Gina kung may hinahanap siya, umiling lang ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

     Nang narating na nila ang palikuran ay agad na pumasok si Gina sa isang cubicle habang si Leigh naman ay naghugas ng mga kamay at nagsalamin. Sa pamamagitan ng salamin, napansin niyang gumagalaw ang pintuan ng isang cubicle pero binalewala niya ito at inisip na umihip lang ang hangin. Pumasok siya sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin, pero hindi siya naging kumportable dahil may nararamdaman talaga siyang kakaiba.

     Lumabas siya nang may marinig siyang kumalabog, nagsara ang pintuan, natakot siya sa loob loob niya pero naglakas loob siyang buksan ang pinto. Pero hindi niya kaya, biglang may humawak sa kanyang balikat, agad siyang napapikit at napasigaw.

     "Uy Leigh! Okay ka lang?" sabi ni Gina at hinarap ito sa kanya.

      Agad na lumuwag ang kanyang pakiramdam at napabuga ng hangin. Tumango lang siya kay Gina. Sabay na silang lumabas ng restroom. Pumunta na sila sa kanilang mga classmates pero hindi pa rin talaga matanggal kay Leigh ang kaniyang kakaibang nararamdaman.

**

     ALAS-SINGKO na ng hapon pero wala pa ding nangyayari sa bus na pinapagawa, mukhang malala ang sira ng makina. Sinabi ng isa sa mga kasama nilang mataas ang posisyon na kailangan nilang magpalipas ng gabi.

(cupcakeswithsmile’s Part)

     Three hours had passed pero hindi pa rin naaayos ang makina ng bus. Ang masaklap pa, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya kahit ayaw ng grupo na manatili sa lugar, ay wala na rin silang nagawa. Ang nakakapagtaka pa, wala ng dumadaan na bus kahit alas otso pa lang ng gabi. While on the way sa naturang bahay na paglilipasan nila ng gabi, hindi pa rin mapakali sa Leigh. Pakiramdam niya hindi sila nag-iisa, na para bang may kung anong nilalang ang sumasama sa kanila, sa kanya. Kahit ‘di pa niya alam kung ano itong sumama sa kanila, ramdam na ramdam niyang nasa tabi lamang niya ito. Bigla na lamang nanindig ang kanyang balahibo nang biglang parang may kung anong hangin ang humaplos sa kanyang tenga na parang may gustong ibulong sa kanya. Matapos ang ilang minutong paglalakad at pagtatatakbo dahil sa ulan, nakarating sila sa isang lodging house. Medyo luma na tingnan ang nasabing paupahan pero mukhang okay pa namang tuluyan.

      Dahil basang-basa na ang ilan sa kanila, pumili na agad sila ng kwarto na pwede nilang higaan. Tatlo-tatlo ang pwedeng manatili sa isang kwarto kaya sama-sama na si Gina, si Leigh, at ang kaibigan nilang si Karen. Si Gina, naisipan munang mag-ayos ng gamit kasama si Leigh habang si Karen naman ay dumeretso sa banyo para makapagbihis. Habang nag-aayos sila, bigla na lang silang natigilan nang biglang bumukas ang bintana. Isang malakas na pagbukas. Mas lalong nanindig ang balahibo ni Leigh nang may bigla na lang naaninag si Leigh sa likod ng bintana–isang anino ng babae.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now