Martsa (Mentor: TrinieRomualde)

296 6 3
                                    

#TeamBehave

*Nikolojeyb

*Ajesunny

*ShoGie

Number of Words: 3,002

November 2, 2013 (8:22 P.M.)

-----------------------

*Nikolojeyb’s Part”

Kararating lang namin ni Dad dito sa napakalayong probinsya na ito. Pagkababa ko sa kotse ay bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay na gawa sa kahoy. Ito ang ancestral house na ipinamana nina lolo at lola kay Daddy. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang laki ng bahay, pero hindi ko gugustuhing tumira rito dahil bukod sa napakalayo nito sa kabihasnan, nakakatakot din ang paligid. Nag-iisa lang ang bahay na ito rito. Walang mga kapitbahay at nasa gilid pa ito ng isang masukal na gubat.

Lumapit ako sa bahay at pinagmasdan ito. Mukhang ilang buwan ding napabayaan ito, ang daming agiw sa bawat sulok. Marami ring mga tuyong dahon, nilipad siguro ang mga iyon ng hangin papunta rito sa hagdan patungo sa mismong pintuan. Umakyat ako sa hagdan at lumapit sa pinto. Ang kapal na ng alikabok. Nang mapagod na ako sa pagmamasid sa paligid ay umupo ako sa ikatlong baitang ng hagdan at pinanood si Daddy habang inilalabas ang mga gamit sa kotse.

"Huwag ka na ngang bumusangot diyan. Nakaupo ka pa riyan sa hagdan. Malas daw 'yan sabi ng mga matatanda." sabi sa akin ni Dad. Umupo siya sa tabi ko at tinabig ang braso ko. Nakapangalumbaba kasi ako.

"Eh kasi naman, Dad. Bakit ba kailangan ko pang sumama rito? Ang layo layo na nga, ang hirap pa ng signal." sagot ko habang sinisimangutan ang cellphone ko.

"Sweetie, we seldom visit here when your grandparents were still alive. I think it's just right to give respect to them by fulfilling their last will that we take care of this property. And besides, it's summer, you should enjoy your vacation." masigla pang usal ni Dad.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Kahit naman anong pagdadahilan pa ang sabihin ko, he wouldn't understand. He still treats me like a baby kahit na eighteen years old na ako. Palibhasa kasi nag-iisa akong babae.

Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na hindi ako mag-eenjoy dito sa probinsya, hindi niya rin ako pakikinggan.

"Sweetie, you know how important this property is for us, right?"

Heto na naman siya sa pangongonsensya niya.

"Sa lahat ng properties ng angkan natin, ito ang pinakapinahahalagahan ng lolo't lola mo, so please just try to enjoy your stay here. I know you'll have so much fun with the sceneries and you'll also learn a lot about history here." sabi pa niya, trying to sound convincing.

Then, he goes again and again with his story about this ancestral house na ipinamana sa kanya ng parents niya.

The house is located somewhere in Bataan. It stands at the nearby edge of the forest. Ang sabi niya, kaya raw sobrang pinahahalagahan ng mga ancestors namin itong bahay na 'to ay dahil sa marami nang nangyari rito simula pa man nang maitayo ito. Naging hide-out daw ito ng mga sundalong Pilipino at Amerikano nung mga panahong gustong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Dito rin daw nabuo ang pagtitinginan ng mga ninuno namin. Ang lolo ko ay sundalong Amerikano, samantalang ang lola ko naman ay isa sa mga kababaihang nangangalaga sa mga sundalong nanunuluyan dito noon.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now