Four Aces (Mentor: LoveBugCarrier)

512 11 11
                                    

#TeamPoginda

*younglover21

*elle_stories

*anonngbuhaymo

Number of words: 1908

November 1, 2013 (9:15 P.M.)

----------------------------

(Anon Part)

Ikatlo ng Enero  taong 2000, halos katatapos lamang ng bagong taon at milenyo nang maglipat kami ng tirahan.  Magmula sa isang payak na tahanan ay nanibago kaming lahat sa kapapagawa pa lamang na magarbong bahay. Isang palapag lamang iyon ngunit malaki ang espasyo ng bawat kwarto, may malaking hardin sa harapan at may garahe sa magkabilang gilid. Isa pa sa mga pinakanagpasaya sa akin noon ay ang pool na makikita sa likod-bahay.

Ngunit hanggang doon na lamang pala ang sinasabi kong kagalakan.

 Ang mga kakaibang pangyayari ay nagsimula noong isang linggo na kaming naninirahan sa nasabing lugar.

“Ati, bakit ganitu naman ang pakiramdam sa kusina ninyu? Ang kri-pe.” si Ate Belen, ang aming kasambahay. Magkausap sila ni mama habang kami naman ni papa ay kumakain ng meryenda. Kung hindi ako nagkakamali ay alas singko na ng hapon noon at matamlay na  si haring araw.

“Naipabless niyo na pu—“

Hindi na naituloy ni Ate Belen ang sasabihin nang may kumalabog ng malakas sa sala at sinabayan ng isang malakas na iyak, iyak ng bata. Kumaripas kami ng takbo papunta sa pinanggagalingan ng iyak at doon ay nakita namin si Carlo, ang bunso at nag-iisa kong kapatid. Nakahandusay siya sa lapag at nakahawak sa puwetan. “Anong nangyari?!” agad siyang binuhat ni papa at saka tinignan ni mama kung may natamo ba siyang bukol o pinsala, salamat sa diyos at mukhang wala naman.

“May paa.. patid ato..” pautal-utal na sagot ni Carlo. Tinignan ko ang buong sala ngunit wala namang napansin doong kakaiba. Hinalughog ko rin ang bawat sulok baka sakaling makita doon ang may sala.

“O sige na. ‘Wag nang maharot Juan Carlo ha?” paalala ni papa at saka ibinaba si Carlo. Pumunta na muli sina mama at papa sa kusina samantalang lumapit naman sa akin si Carlo, “Tuya, tatatot ato sa mumu.”

Niyakap ko ang aking kapatid upang mapawi ang kanyang takot at isinama siya papuntang kusina. Doon natapos ang araw ngunit hindi ang mga kababalaghan.

(Abi Part)

Ika-13 ng Enero taong 2000, tatlong araw matapos mangyari ang insidente ni Carlo ay may nangyari na namang kakaiba. Sa parehong oras, papatulog na ang araw, ay hindi pa din natatapos mapinturahan ang labas ng aming bahay sa may likod. Kumakain ng meryenda ang mga trabahador at ang iba naman ay nagpipintura pa rin noong lumabas ako.

“Pre, sabihin mo kay ser hindi gumagana ‘yung spray paint.” utos ni Mang Gardo sa isa pa niyang katrabaho. Pumasok sila sa loob ng bahay at doon ay kinausap si papa. Tinitigan ko ang spray paint na iyon, bagong-bago at hindi pa talaga nagagamit. Lumabas muli sina Mang Gardo na may dala na namang spray paint, binuksan iyon at sinubukang muli.

“Putsa pre. May mali ba sa mga mga ‘to?” sabay turo niya sa dalawang spray paint na may sira ata. “Pinturahan na lang natin ng pintura.” utos ni Mang Gardo sa kasama.

Ilalapat pa lamang nila ang paint brush na hawak ngunit nanigas na lamang bigla ang kamay ni Kuya Jerry at nabitawan ang hawak. “P*ta! Kahit puting pintura lang! Pagbigyan niyo kami!” sumigaw si Mang Gardo ngunit hindi ko alam kung sino ang sinisigawan niya.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now