Insusurro (Mentor: Fuurinkazan)

655 8 11
                                    

#GenerationOfMiracles

*Sichemyr

*SeventhBlueBallpen

*MarizBajado

Number of Words: 4786

November 1, 2013 (7:35 P.M.)

--------------

Isinulat ni Sichemyr:

Gamit ang pisi, animo ang alagang aso pa ang kumokontrol sa mga amo. Naroon ‘yon sa hagdan, nakadungaw habang pinapagalaw ang katawan ng isang matandang babae at isang matandang lalaki. Oo nga, kontrolado na niya ang katawan ng dalawang matanda.

Iyon ang mismong larawang nasa harapan ng magkapatid na si Tom at si Jim. Nakatayo sila sa tapat nito, si Tom habang ninanamnam ang larawan, samantalang si Jim naman ay hawak lang ang kamay ng nakababata niyang kapatid. Tuwang-tuwa ang bunso dahil sa dala ng magulang nila pagkauwi, isang larawan nga ng asong may hawak na taling nakakabit sa katawan ng amo.

“Kuya, ang cute n’ong aso, ‘no?” masayang sabi ni Tom. Hindi sumagot si Jim. Hindi siya natutuwa sa larawan na nakasabit sa dingding. Hindi niya alam kung bakit, siguro dahil sa masyado ‘tong pangbata para sa kanya. O baka hindi, baka wala lang talaga siyang hilig sa mga naka-display na painting kaya wala siyang pakialam. Siguro nga.

Simula nang iuwi ng mga magulang nila ang painting na ‘yon, madalas nang nakatayo sa harapan ng larawan si Tom. Pabor ito para kay Jim dahil hindi na niya kailangang makipaglaro pa kay Tom bago gumawa ng assignments at projects niya sa eskwela. Pabor rin ‘to sa mga magulang nila dahil hindi na nila kailangang batayan pa ang bunso. Kapag nawala ito sa paningin nila, awtomatikong nasa tapat lang ito ng larawan. Natural na lang ang gan’ong eksena.

Nasanay na ang pamilya nila sa gan’on.

“Mama, bumubulong na naman sa’kin! Ang sabi niya kanina, ad…” kumunot ang noo ng bata, pumorma pa nga na akala mo’y seryosong nag-iisip. “Ad… ad mortem, Ma! Ad mortem ‘yong sabi!”

Normal na lang din ang ganitong eksena para sa kanila. Madalas hindi nila maintindihan kung ano ang sinasabi ni Tom na ibinubulong nga daw sa kanya. Pero may mga pagkakataon din naman na naniintindihan nila, pero isinasawalang bahala lang ito ng magulang nila. Bata, malikot ang isip. Kung anu-ano ang naririnig. Normal lang ang ganyan. Tama, inisip ng magulang nila na normal lang ang nangyayari sa bata.

Hanggang sa dumagdag sa eksena ang mga gabing bigla na lang tatayo at lalabas ng kwarto si Tom, kakatok sa kwarto ng kuya niya, o din naman kaya’y sa magulang niya. Pagkatapos ay iiyak at sasabihing may bumubulong na naman. Pero hindi sila naniniwala.

Akala nga kasi’y normal lang.

-  -  -

Bakit hindi?

“Kuya…” Naginginig ma’y nagawa pa rin ni Tom na katukin ang pinto ng kwarto ng nakatatanda niyang kapatid.

Sige lang… gawin mo.

“Kuya… Kuya Jim!” Sunod-sunod na pagkatok pa ang ginawa niya—nagbabaka-sakaling matabunan ng lakas ng kalampag sa pinto ang nakapangingilabot na boses. Nagbabaka-sakali siyang matitinag ng mga katok na iyon ang bulong na tila galing pa sa ilalim ng lupa.

Wala namang mawawala. Bakit hindi mo gawin?

 Ilang beses pa siyang kumatok at sumigaw, nang sa wakas ay bumukas ang pinto. Mapungas pa ang mata ng kapatid niya nang pagbuksan siya nito, dagdag na rin ang kunot nitong noo. Halatang kagigising pa lang at mainit ang ulo. Paano nga ba namang hindi? Alas-tres ng madaling-araw ay nagsisigaw na si Tom sa labas ng kwarto niya. Istorbo sa pagtulog.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now