BULONG NG PAGKAKAIBIGAN (Mentor: LoveBugCarrier)

388 7 13
                                    

#TeamPoginda

*NicaaaSy

*ALdesultory

(Dalawa lang po sila.)

Number of Words: 1774

November 2, 2013 (11:20 A.M.)

-------------------------

(NicaaaSy’s Part)

Hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa aking isipan ang lahat ng nangyari.  Sa huling sandali ay sumilip ako sa kanya at nakita ko na mahimbing na nagpapahinga na si Cecil sa kanyang kinahihigaan. Simbolo ng aking pagmamahal bilang kanyang matalik na kaibigan ang puting rosas na aking binaba sa kanyang kabaong. Umihip ang malakas na hangin na lalong nagpalakas ng mga hagulgol ng kanyang mga minamahal.

Ang hanging iyon ang nag patayo ng mga balahibo ko sa katawan. Iba ang simoy ng hangin na ’to, hindi nakikisabay sa pagdurog ng puso ng kanyang mga minamahal.

Naramdaman ko na may isang napakalamig na kamay ang humawak sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw. Gumalaw ang kamay at hinawi nya ang aking buhok at nilagay ito sa tikod ng aking tenga. Alam kong malapit siya ngunit hindi ko maramdaman ang kanyang paghinga.

Unti-unti, nilapit nya ang bibig niya sa aking tenga at bumulong ng napakahina.

“Tumingin ka sa likod mo”

Alam ko yung boses na iyon, Cecil. Susulyapan ko na sana pero bigla syang naglaho na parang bula.

“Cecil, Sana maging masaya ka sa kabilang buhay.”

Napag isipan kong lumingon sa aking likod at nakita ko ang isa pang matalik kong kaibigan.

Si Desiree.                                                            

Kaming tatlo ang magkakapatid sa mundong ginagalawan namin. Marahan siyang lupit sa akin. Tila lumakas at nagiba ang simoy ng hangin sa ginawa niyang iyon. Ang mga luha na pumapatak galing sa kanyang mga mata ay pumukaw sa aking atensyon. Lumapit sya sakin at yumakap.

Ilang araw na rin akong binabagabag sa binulong saakin ni Cecil, ang mga gabi na binabangungot ako at nagpapakita si Cecil sa akin na parang may pinahihiwatig. Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi, malabo ang lahat. Ngunit alam kong mayroon siyang gustong sabihin sa akin.

Ang tahimik ng bahay kapag wala si Cecil lalo na pag ganitong tanghaling tapat. Wala na ako nagawa kundi ang bumuntong hininga sa aking naisip. Habang ako’y nag luluto ay parang sirang plakang umuulit ulit sa isip ko ang kanyang binulong saakin.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now