Lullaby (Mentor: crunchh)

196 3 4
                                    

#TeamCrunchhers

*SuperGirlThis

*CreamyPrincess

Number of Words: 2, 000

November 4, 2013 (7:30 P.M.)

-------

SuperGirlThis's Part

 

 

"Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan "

Gabi-gabing naririnig ang tinig na ito ng isang nangungulilang ina kasabay ang pagtugtog ng piano. Hindi malaman ng mga tao ang gagawin tuwing sasapit ang gabi sa Barangay Ulila, Malolos, Bulacan. Takot at kaba.ang pumapaligid sa baryong iyon. Lalo na lamang nang dumating na ang mga kakila-kilabot na pangyayari sa Barangay na iyon.

Sabi ng mga tao roon ay..

"Lagi kaming nakakarinig sa bahay na iyon ng mga tinig na kumakanta kasabay ng pagtugtog ng piano. Kapag nagkataon ay nakakarinig din kami ng mga iyak ng babae. Hindi na nga lang namin ito pinapansin para maibsan ang takot na nararamdaman namin. Sa totoo nga lang ay gusto na namin lumipat ng tirahan ngunit ang problemanga lang ay wala kaming matutuluyan sa ibang lugar. Pero ang iba dito sa amin na may kamag-anak sa ibang lugar ay lumipat na para masigurong wala nang mangyaringkakaiba sa kanila."

"Tuwing Oktubre talaga ay mga nangyayaring kakaiba. Kaya wag ka ng magtaka kung sakaling may mangyari ulit na kakaiba ngayong taon."

"Wala na rin nakatira sa bahay na iyan. Lumipat na nang bahay ang dating nangungupahan diyan dahil daw may nagpapakitang babae sa bahay na iyan."

"Hindi namin alam kung sino ang nagmumulto sa bahay na iyan ngunit sabi naman nang mga dating nakatira na dito ay Teresita daw ang pangalan ng babaeng iyon. Hindi na nila nakwento ang buong pangyayari dahil na rin sa takot."

Oktubre 1996

Ito na ang buwan na kinatatakutan ng lahat ng tao sa barangay Ulila.

"Ayan na naman ang nakakatakot na tinig na iyan. Halika mga anak bilisan niyong maglakad." Sambit ng isang ina sa kan’yang mga anak nang dumaan sila sa bahay.

------------

"Hihihihihi! Mararanasan niyo rin ang naranasan ko nang mawala ang anak ko! Pagbabayadin ko kayo sa mga masasamang ginawa niyo sa akin! Sa amin! Hahahaha!" Nakakatakot na bangit nito sa sarili.At dito magsisimula ang mga masasamang balak ko sa inyo!

Naglakad siya palabas ng bahay niya ng saktong 10:26 ng gabi. Ang saktong oras kung kailan namatay ang anak ko! Wala man lang kahit isang tumulong sa amin! Kaya ngayon! Magbabayad kayo!

-------------

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now