Det. Rm. (Mentor: superjelly)

340 9 9
                                    

#TeamFogii

*FallenStarXEA

*Brythelei

*AnakDalita

Number of Words: 5, 688

November 2, 2013 (9:16 P.M.)

---------

FallenstarXEA’s Part:

[SY 2013-2014]

 

Alas-sais na ng gabi nang maisipan ni Charlotte na umuwi na galing sa library. Bilang isang third year high school student, marami na siyang ginagawa at nagsabay-sabay pa ang mga takda at proyekto niya sa iba’t-ibang asignaturang mayroon siya. Sa library niya napagpasyahang gawin ang kanyang takdang-aralin dahil wala siyang sariling computer o perang pang-renta sa internet café.

Napansin ni Charlotte na wala nang tao habang tinatahak niya and daan palabas. Pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya sa loob ng high school department ng all-girl Catholic school na yun.

Si Charlotte ang tipo ng estudyante na mas gugustuhing mapag-isa at magnahimik lang. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaibigan, mas pinipili pa rin niya ang katahimikang dala ng pag-iisa kaysa samahan ang mga kaibigan niya. Papalabas na sana siya ng gate nang napansin niya ang isang estudyante. Nakatayo ito at nakatingin sa direksyon niya. Nagpalinga-linga si Charlotte upang hanapin ang tinitignan ng estudyante ngunit wala siyang nakita.

Bumalik ang tingin niya sa estudyanteng ito na bigla na lamang tumakbo, tila nagpapahabol sa kanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay sinundan niya ito.

Base sa uniporme at tindig nito, high school student din ito ngunit hindi ito pamilyar kay Charlotte. Hindi naman karamihan ang mga estudyante sa paaralang ‘yon kaya marami ang maaaring maging pamilyar sa kanya. Hindi mapakali si Charlotte, pakiramdam niya ay may kakaiba rito.

Nadagdagan ang kabang nararamdaman ni Charlotte nang mapansin niyang malapit na sila sa mga lumang gusali sa Elementary Department na siyang nasa kabilang dulo pa ng eskwelahan. Malapit ito sa kumbento na tirahan ng mga madre.

Nakita niya itong huminto sa harap ng isang lumang silid na nasa dulo ng hallway. Sa pagkakaalam niya, ‘yon ang tinatawag nilang Detention Room o mas kilala bilang Det. Rm. o “Death Room”. Sabi sa tsismis, marami na raw ang mga estudyanteng pinarusahan doon dati. Malupit ang mga parusang iniaatang ng mga madre noon sa mga estudyanteng sumusuway sa kanila. Do’nsa silid na ‘yon nila ginagawa ang malulupit na pagpaparusang ‘yon na ang ilan ay nahahantong sa kamatayan ng ibang mag-aaral.

Sa ngayon ay hindi na ginagamit ang silid na ‘yon nang ipagbawal na ang pagsasagawa ng corporal punishment. Ang alam din niya ay isinara na at kinandado ang silid, kaya naman laking gulat niya nang napansin niyang wala na ang kandado at bukas ang pinto nito.

Papalapit na si Charlotte doon nang tumingin sa kanya ang babae saka uli tumakbo papasok sa silid.

“Sandali! ‘Wag kang pumasok d’yan!” sigaw ni Charlotte sa babae at saka uli ito hinabol. Ngunit imbis na pumasok ay huminto siya sa may pintuan ng silid.

Huminga nang malalim si Charlotte at pinag-iisipan kung papasok ba siya o aalis na lang sa lugar na ‘yon. Nakatitig lang siya sa madilim na silid. Nang unti-unti na siyang lumalapit upang sumilip, may naramdaman siyang papalapit na kanya.

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now