Psssst Psssst (Mentor: writerwannabe143)

226 5 6
                                    

#WriterWannaBes

*bitterwannabe143

*iamhereFORyou88

*JustABoyNextDoor

Number of words: 5, 063

November 4, 2013 (7:41 P.M.)

------------------

bitterwannabe143’s part:

May umiiyak na dalawang babae habang sila’y nakahiga sa sahig. Nakatali ang kanilang mga kamay sa isang puno at ang bibig nila ay nakatakip. Pilit nilang tinatanggal ang pagkakatali sa kanila ngunit hindi nila ito magawa. May isang lalaking nakapatong sa isang dalaga, at mapapansin mo sa mukha nito ay nasasarapan siya sa kanyang ginagawa ngunit ang mga mata niya ay namumula na dahil sa pagiyak na walang tigil at ang mukha naman ay tila para bang diring-diri siya sa sarili niya.

Umalis ang lalaki sa ibabaw ng dalaga at lumipat ito sa isa pang babae na katabi nito. Muli siyang nakaramdam ng sarap pero kabaligtaran naman iyon nang nadarama ng isa pang dalaga. Mahahalata mo sa itsura ng dalawang naggagandahang nilalang na humihingi sila ng saklolo ngunit wala na silang pag-asa sapagkat ala-una palang ng madaling araw, at napaka-imposible na may taong gising pa nung mga oras na iyon.

Lumipas ang mga oras at napagod na ang lalaki sa kanyang ginagawa, kung kaya’t umupo na muna siya sa sahig. Maya-maya pa’y may kinuha siya sa bulsa niya at hindi nag-alinlangang tumungo sa dalawang dalaga. Nanlaki ang mga mata ng mga iyon sa nakita nilang hawak ng lalaki.

Sumampa ang lalaki sa isang dalaga at tinanggal nito ang takip sa bibig.

“Maawa ka po sa amin! Huwag niyo na po kaming patayin, nakuha mo na rin naman po ang gusto mo sa amin diba? Pakawalan niyo nalang po ka—” Hindi na naituloy ng dalaga ang pagmamakaawa niya sa lalaki sapagkat pinagsasasaksak na ng lalaki ang babae sa mukha nito.

Habang ginagawa ito ng lalaki ay sigaw nang sigaw ang isa pang babae, ngunit hindi siya pinansin nito at tinuloy pa rin ang kanyang ginagawa sa unang dalaga. Nilingon ng babae ang kakambal niya at agarang tumulo ang luha niya, tila hindi makapaniwala sa nadatnan niya—sa kakambal niya.

Bago magwakas ang buhay nung unang dalaga ay tumingin muna siya sa kapatid niya

 “M-Mahal kita, Ha. T-Tandaan mo yan.”

Natapos na ang lalaki sa ginawa niya sa isang dalaga at ngayon nama’y pumatong siya sa isa at sinabing, “Nabitin ako sa’yo kaya itutuloy ko bago ko tapusin ang buhay mo.”

Tinuloy nga ng lalaki ang kanyang ninanais sa dalaga, at hindi mapigilan ng dalaga ang mapaiyak sa nangyayari sa kanya; ramdam na ramdam niya na ilang minuto na lang ay magagaya na siya sa kakambal niya.

 Natapos na ang lalaki at tinanggal na rin sa wakas ang nakatakip sa bibig ng babae.

“Walang hiya ka! Matapos mo kaming gahasain, papatayin mo kami? Hindi ka na ba nakuntento sa nakuha mo? Bakit sa dinami-dami ng babae dito, kami pa ang ginahasa mo?” Sigaw ng dalaga at ibinaling niya ang tingin niya sa kakambal niya. “Ya! Patawarin mo sana ako at hindi kita nailigtas mula sa hukluban na ito! Sana mapatawad mo pa ako, Ya! Mahal na mahal kita, Ya!” Umiyak ang babae at galit niyang tinignan ang lalaking umano’y gumahasa sa kanila. “Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa amin. MAGBABAYAD KANG HINAYUPAK KA!”

At hindi na nagsayang ng pagkakataon ang lalaki at saka niya ito pinagsasasaksak.

“Magkakambal naman kayo diba? Pwes magkapareho din kayo ng mukha kapag namatay na kayo.”

First Battle Entries (Horror)Where stories live. Discover now