TIA: Chapter 3 (Ang Pagkikita)

2.7K 75 9
                                    


Napalunok na lamang si Mr. Rodgers sa kuwento sa kanya ng asawa ni George. "Kaya wala nang tao o hayup na bakla pa ang makakasira sa relasyon namin, Lalung-lalo na ngayon dahil mag-asawa na kami" at tumingin si Bek sa lalaki "Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang susunod mong galaw sa asawa ko. Baka ikaw ang isunod ko sa baklang yon"

Napatawa na lang ng malakas si Mr. Rodgers sa banta ni Bek "Mrs. Salcedo. Pinapatawa mo ako"

"I'm not joking. Totoo ang mga sinasabi ko. Stay away from my husband baka ano pa ang magawa ko sa'yo" dugtong nito "Mag-ingat ka"

"Well. Lahat ng mga sinasabi ay pawang nakakatawa, Mrs. Salcedo" sagot nito "At talagang naisip mo na aagawin ko sa'yo ang asawa mo?? You are so funny. For real?? Meron pa talagang taong katulad mo??" nagpabuntong-hininga ang lalaki na kasama niya sa mesa at parang nagagalit na ito sa mga paratang sa kanya "Alam mo, narinig ko na ang klaseng pambabanta na yan at hindi na ako natatakot"

"Narinig mo na? So ang ibig sabihin ay may iba ka pang lalaki na may asawa na nilandi mo bago ang akin?" habang nakangiti ito na parang naiinis kay Mr, Rodgers "Hindi ko aakalain na ganyan ka pala kababa ang moral mo, Mr. Rodgers. Tinagurian ka pa naman na pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas pero ganito pala ang ugali mo?? Isang homewrecker??"

Napangiti na lamang si Mr. Rodgers sa mga pang-iisulto nito "Mrs. Salcedo. Kung ano man ang problema ninyong mag-asawa, please lang. Huwag ninyo akong idamay diyan dahil meron akong sariling problema na mas makabuluhan pa diyan" at nakatingin lamang si Bek sa kanya "Kung iniisip mo na isa akong homewrecker, well, wala na akong rason para depensahan ang aking sarili dahil hinusgahan mo na ako. Hindi mo alam kung ano istorya ng buhay ko para husgahan mo ako ng ganyan. You never there para saksihan ang totoong nangyari sa buhay ko. Kaya huwag mo akong paandaran sa mga hugot at kapraningan mo sa buhay, katiting lang yan sa mga nangyari sa buhay ko"

"Ano ba ang pinagyayabang mo?? Yang yaman mo??" balik ni Bek pagkatapos ng ilang segundo na pananahimik "Mawawala din yan at hindi mo maisasama sa pagkamatay mo ang mga yaman mo"

"Speaking of DEATH. Hindi mo ba alam na merong babae na namatay dahil sa kapraningan niya?? Siya rin mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa mismong kamatayan niya dahil marami siyang maduduming naiisip sa amin ng asawa niya. Kaya ayon, namatay ang babae" sabay tingin ni Mr. Rodgers kay Bek mula ulo hanggang paa "Kaya ikaw, ikaw ang mag-ingat, Mrs. Salcedo. Dahil baka ikaw ang sumunod sa kanya"

Tumayo si Mr. Rodgers sa upuan dahil gusto niya nang umalis doon na kasama ang babae. Sakto din na nakabalik si George mula sa banyo. Nagtaka ito dahil tumayo ito na naiinis ang mukha.

"Mr. Rodgers? Where are you going?"

"Wala. Pupunta lang ako sa banyo"

Nagdesisyon agad si George na dumerecho sa kanilang upuan. Nakita niya ang kanyang asawa na nanginginig sa galit at takot.

"Mahal. Okay ka lang?"

"Yeah. I'm okay" sagot ni Bek.

"Are you sure? Parang hindi eh" habang hinimas niya ng likuran ng asawa.

"Honestly?? Hindi"

"Ha? Bakit naman, Mahal?"

"Ikaw. Kayo!" sigaw ni Bek. Nagtinginan ang mga tao sa kanilang dalawa dahil sa ingay

"Rebecca" saway ng asawa niya sa kanya "Huwag naman dito. At ano naman ang ibig mong sabihin na ako?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na naging kayo pala ni Mr. Rodgers?"

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon