Pagkatapos niyang nagbihis ng uniporme niya mula sa trabaho ay nagtungo kaagad si Zeek sa sala, umupo sa sofa at binuksan ang telebisyon. Pero habang nanonood ay biglang namatay ito kasabay ng ilaw.
"Ma..!" tawag niya kay Vivian "Walang kuryente!"
Lumapit naman ang ina niya na nanggaling mula sa kusina. Tinangka pinaandar ang switch ng ilaw pero hindi nga ito umilaw. "Naku anak. Baka naputulan tayo ng kuryente"
"Ha?" tumayo si Zeek sa sofa at hinarap ang ina na si Vivian "Bakit Ma? Diba binigyan kita ng pera nung isang araw? Hindi ka pa ba nakabayad?"
"Hindi pa anak eh" buntong-hininga niya at tumingin siya sa kanyang anak na parang may sasabihin "Anak. May sasabihin sana ako sa'yo. Pero huwag ka sanang magalit sa akin"
"Ano naman ba yan, Ma?" sagot ni Zeek. Parang alam niya ang susunod na sasabihin nito sa kanya "Huwag mong sabihin na ginamit mo naman ang pera sa pampautang mo"
"Pasensiya na anak. Naawa kasi ako sa kanya eh" biglang umamo ang boses niya sa anak "Kailangan lang talaga nila eh"
"E kailangan naman din natin ang pera. Paano tayo ngayon? Wala tayong kuryente" sambit ni Zeek "Alam mo naman na iyon lang ang natirang pera ko sa nagdaan kong trabaho eh"
"Anak. Babayaran naman daw tayo nila kaagad kapag nagka-pera na sila"
"At naniwala ka naman sa kanila, Ma?" balik niya dito "Sino na naman ba ang maswerteng taong nakatanggap ng biyaya mo?"
"Si Aling Malou, anak"
"Ano..?? Siya..?"
"Oo anak. Pero nangako naman siya sa akin na magbabayad siya kaagad"
"Naku Ma. Kalimutan mo na lang ang pangako niya sa'yo dahil hindi totoo yan" dugtong ni Zeek "Ano na naman ba ang drama niya ngayon sa'yo?"
"Kailangan niya daw kasi ng pera para pambayad lang sa ospial, anak" paliwanag niya kay Zeek "Na-ospital daw kasi ang apo niya eh. Alam mo naman na maawain ako sa mga bata" napahinga na lang ng malalim si Zeek sa ginawa ng kanyang ina. Hinaplos niya ang likuran ng anak para mapakalma ito "Anak. Huwag ka nang magalit sa Mama mo oh"
"Hindi naman ako galit, Ma" dugtong niya sa ina "Nainis lang kasi ako sa ginawa mo. Hindi naman tayo mayaman para magkawang-gawa parati sa mga tao dito"
"Alam ko, anak. Pero naaawa lang talaga ako sa kanya at sa apo niya. Intindihin mo naman ako"
"Intindihin..?? Naku Ma. Lalo pa nilang aabusuhin ang kabaitang mong yan. Pwede ba, Ma? Itigil mo na yan"
"S-sige anak. Pipilitin ko" at niyakap niya ng mahigpit si Zeek "Pero anak. Huwag ka nang magalit sa akin. Patawarin mo na ako"
"Ano ba naman magagawa natin kundi patawarin ka. Mama kita eh" at niyakap niya din si Vivian ng mahigpit.
"Sorry talaga, anak. Hindi na talaga mauulit. Pangako yan"
"Okay na yun, Ma. Wala na naman tayong magagawa dun. Ibigay na lang sa kanila ang perang iyon" sabi niya sa ina "So, ano ang plano mo, Ma? Saan ka kukuha ng pera para pambayad ng kuryente at mga gastusin natin dito?"
"Hindi ko rin alam, anak" sagot niya sa anak "Naubos lahat ng pera natin sa kanila. Kahit nga pang-kapital sa kakanin ay nadali rin"
Nagpabuntong-hininga muli si Zeek sa sinabi sa kanya ng ina "Sige na. Ako na lang bahala diyan. Susubukan kong manghiram ng pera sa mga kakilala at kasama ko sa hotel"
BINABASA MO ANG
The Illicit Affair
RomanceIsang student intern si Zeek sa Hotel na kung saan si George Salcedo ang may-ari. Hindi niya alam na may lihim na gusto si George sa kanya at nag-isip ang may-ari kung paano niya makukuha ang binata para maging kanya Pero may kasabihan nga na 'wala...