TIA: Chapter 15 (Bagong Kaibigan)

1.6K 47 0
                                    


Napakunot ang noo ni Zeek sa sinabi sa kanya ni Bek. Dahil tinawag siya sa kanyang apilyedo. Kung ganon ay kilala siya ng asawa ni George.

"Teka po, Ma'am. Matanong ko lang po. Kilala niyo ako?"

"Oo naman" ngiti ni Bek sa kanya "Kilalang-kilala kita. Ikaw yung student intern na hindi mo kasamang nagpasa ang isa mong classmate na mag-a-apply dito diba?" paalala niya sa binata.

"Opo. Ako nga po iyon"

"Naalala ko tuloy na pinagalitan pa kita noon. Sorry ha, nadala lang ako sa kapraningan ko sa asawa ko"

"Ayos lang yon, Ma'am. Tapos na yon" sagot ni Zeek habang nakangiti kay Bek "Hindi naman ako nagtatanim ng galit eh"

"Napakabuti mo talaga, Zeek" sambit ni Bek "Sigurado ako na pagsisihan yan ng ex mo dahil iniwan ka niya. Pagsisihan niya ang kabaitan mo"

"Sana nga po" ganti niya kay Bek "Oo nga pala, Ma'am. Ano na po ang plano niyo ngayon?"

"Hmmm. Uuwi muna ako sa bahay namin, katulad nung sinabi ko sa kanya kanina" paliwanag niya sa binata "At susundin ko ang payo mo na huwag muna siyang kukulitin at bigyan ko muna siya ng space para makahinga naman siya"

"Mabuti yan. Ma'am. Sigurado ako na hindi ka niya matitiis"

"Sabi mo eh" ngiti ni Bek sa kanya "Mister Lacsamana, tulungan mo naman akong tumayo"

"Sige po, Ma'am" kaagad niyang inabot ang isang braso ni Bek at dahan-dahang pinatayo ito.

Inayos naman ni Bek ang kanyang sarili pagkatapos nitong tumayo. "Well. Salamat, Mister Lacsamana" sambit ni Bek sa binata "Salamat sa mga payo mo sa akin. At salamat dahil andiyan ka na nakinig sa problema ko"

"It's been my pleasure, Ma'am" sagot niya "Salamat din sa pag-share mo"

"I hope na maging makaibigan tayo, and I am looking forward to that"

"Ako din po"

Ngumiti na lang si Bek sa kanya at nagdesisyon nang magpaalam "So pano, uuwi na ako. Baka makita pa niya ako dito at magalit na naman"

"Sige po. Mag-iingat ka, Ma'am"

Kaagad lumakad si Bek palayo sa binata habang nakatingin naman sa kanya si Zeek na nakangiti. Masaya lang siya dahil nakatulong siya kahit papaano sa pagpagaan ng damdamin ng asawa ng kanyang amo.

Si Sir George?? Muntikan niya nang makalimutan na pinatawag pala siya at baka kanina pang naghihintay iyon sa kanyang opisina. Tumakbo ng mabilis si Zeek patungo ulit sa elevator para umakyat sa opisina ng amo.

***

"Lucas! Lucas!" tawag ni George sa kanyang assistant "Ano ba?! Ba't ang tagal mo?!"

Nagmamadali naman pumasok si Lucas sa opisina ni George "Yes Sir? Bakit po?"

"Anong bakit..??" balik nito sa kanya "Saan na si Zeek? Lumipas na ang 30 minutes pero wala pa siya dito"

"Hindi ko po alam, Sir. Pero sinabihan ko siya kanina na umakyat dito"

"Sigurado ka ba na siya ang kinausap mo kanina?"

"Oo naman po. Sigurado ako"

"Oh Eh saan na siya ngayon? Wala nga diba??"

"Wala po.." sabay yuko ni Lucas

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon