TIA: Chapter 35 (Pagkasira ni Zeek)

625 26 2
                                    


"So anong sinabi mo? Inamin mo ang buong katotohanan?"

"Yes. Sinabi ko ang lahat-lahat na nalalaman ko sa inyo"

"Hayup ka, Bek" sambit ni Zeek sa kanya na nangangalit na ito sa galit "Sinira mo kami ni Mama"

"Ako? Sisira? For your information, hindi ako katulad mo na sumisira ng pamilya" tanggol ni Bek sa kanyang sarili "Huwag mo akong sisihin sa mga nangyayari sa buhay mo dahil karma mo na yan"

"Kahit na. Sana tumahimik ka na lang!"

"Tahimik naman ako ah" dugtong ni Bek "At baka nga siya ang nagsumbong sa Mama mo" habang nakangiti sa kanya si Bek "Haay Zeek. Pinapadali ninyo ang pagbagsak ko sa inyo, Karma na ang humihingi sa inyo, Zeek. Hindi na ako. And I'm enjoying this" nanggigigil sa galit si Zeek at itinapon niya ang mga papeles ni Bek na nakalatag sa mesa nito. Bumagsak at nagkalat ito sa sahig "What the hell?!!" sabay tayo ni Bek "Ano ba ang problema mo?!"

"Ipagdasal mo na lang na maging maayos kami ni Mama" pagbabanta niya kay Bek "At kung hindi, humanda ka sa ganti ko"

"Talaga?? Wow... I. AM. SO. SCARED"

"You should be, bitch"

Umalis kaagad si Zeek na galit na lumabas sa opisina ni Bek. Samantala siya naman ay pinulot ang mga nakakalat na mga papeles sa sahig "Oh my god. Ano ba ang nangyari dito...!! that faggot. Humanda ka sa akin"

***

Kakarating lang ni Marco sa kanyang condo unit at mukhang pagod na pagod na ito. Galing kasi siya sa kanyang trabaho at gusto niya nang magpahinga.

'Hay salamat. Nakauwi din. Makapagpahinga na nga' sambit ni Marco sa kanyang sarili. Hihiga na sana siya sa kanyang soda nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan "Sino ba yan.." buntong-hininga ni Marco "Sandali!" sigaw niya habang papunta siya sa pintuan.

Binuksan ni Marco ang pinto at nakita niya kung sino ang tao na nasa labas "Marco" sambit nito sa kanya.

"Tito? Tita?" sina Arnold at Daisy pala ang kanyang bisita at kagagaling lang nila mula sa airport. "You're here. Hindi niyo naman ako sinabihan na pupunta kayo kaagad dito"

"Well. Kaagad kami bumili ng ticket at nagmamadali kami ng Tita mo na pumunta dito dahil sa sinabi mo sa akin sa telepono" paliwanag ni Arnold sa kanya "Hindi kasi kami makapaniwala sa kwinento mo sa amin. Pasensiya na kung wala kaming pasabi"

"Naku. Okay lang yun, Tito" dugtong ni Marco "Hali po kayo sa loob. Pasok po kayo"

Kaagad silang pumasok sa unit ni Marco, at katulad din ni Hazel ay namangha sila sa istilo at disenyo ng loob ng unit ni Marco.

"Ang ganda naman ng unit mo, Marco" sambit ni Daisy sa kanya "Ikaw ba ang nagdisenyo nito?"

"Opo Tita. Ako nga po"

"Wow. Ang ganda talaga" tingin niya agad sa asawa niya "Diba hon?"

"Yes. I'm impressed, Marco" sabay hinga ng malalim ni Arnold dahil naalala niya na naman si Hazel "Kung sana ay ikaw ang pinili ng anak ko at nagpakasal na kayong dalawa noon. Hindi na siguro mahahantong sa ganito. Masaya na sana kami ng Tita mo at hindi na kami nakabalik sa Pilipinas"

"Oo nga Tito eh" pagsang-ayon ni Marco "Pero tapos na po iyon, ang mahalaga ay magkaibigan kami ni Hazel"

"Kontento ka na diyan, Marco?"

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon