Parang masaya ang kanilang mga mukha habang papasok ng silid, dahil sa wakas ay natanggap na rin si Zeek ng mga magulang ni Hazel.
Muntikan na nilang makalimutan na nandoon pa pala si Marco na nandoon pa sa silid at hindi sumama kina Arnold at Daisy.
"Marco. Bakit hindi ka pa umalis?" tanong ni Hazel sa kanya.
"Gusto ko lang kasi na mag-usap tayong tatlo"
"Tungkol saan?" tanong sa kanya ni Zeek.
"Tungkol sa ginawa ko sa inyo. Tungkol sa pagsumbong ko sa inyo sa mga magulang mo, Hazel" sagot niya "Sorry sa ginawa ko. Nagi-guilty ako sa ginawa ko eh. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanila"
"Ano ka ba? Okay lang yun, Marco. Maayos naman kami eh" paniniguro ni Hazel kay Marco "Ang importante ay okay na kami at tinanggap na nila si Zeek, Masaya na ako dun. Don't worry"
"Pero ako pa rin kasi ang may kasalanan eh. Sinumbong ko kayo dahil gusto ko kayong magkahiwalay ni Zeek. Kasi mahal na mahal kita noon, Hazel"
"Marco. Tapos na yon. At kung ano man ang nagawa mo. Naiintindihan ko naman" sambit ni Hazel sa kanya.
"Salamat Hazel" sambit niya. Sumulyap siya kay Zeek na nasa bandang likuran ni Hazel "Pre, pasensiya na ha. Mahal ko rin kasi ang girlfriend mo eh. Pero huwag kang mag-alala, hindi na ako magugulo sa inyo dahil klaro naman sa akin na kayo talaga ang para sa isa't-isa" sambit niya kay Zeek "At pasensiya pala nung gabi na nasa restaurant tayo... Hindi totoo ang mga sinabi ko, Hindi totoo na magpapakasal kami, Sinabi ko lang yon dahil nagselos ako sa inyo nung gabing iyon"
"Naku Pre, Wala ka nang dapat hingian ng tawad" dugtong naman ni Zeek sa kanya "Katulad nang sinabi ni Hazel, naiintindihan namin kung bakit mo iyon ginawa:
"Salamat Pre"
"Pero sana. Huwag nang maulit iyon"
"Oo. Promise yan. Hindi na mauulit ito" pangako ni Marco sa kanilang dalawa. Ngumiti lamang sina Zeek at Hazel sa paniniguro niya sa kanila.
Masayang-masaya silang tatlo, lalung-lalo na sina Hazel at Zeek dahil sa wakas ay naging maayos na nga ang kanilang problema at malaya na silang dalawa na magmahalan na walang komokontra.
***
Kinabukasan.
Maagang pumasok si George sa kanyang hotel, hindi para simulan kaagad ang kanyang trabaho kundi may kakausapin siya na importanteng tao. Isang tao na ginawa niya nang napakalaking kasalanan. At maaaring pagsisisihan niya sa buong buhay niya kung hindi siya hihingi ng tawad.
Nang pagpasok niya sa opisina ni Bek ay nadatnan niya ito na nakaupo at may ginagawa sa kanyang mesa. Nakita naman ni Bek ang pagpasok ng dating asawa at kaagad itong tumayo.
"What a pleasant surprise" sambit niya sa dating asawa "Ikaw naman ang bumisita sa akin my dear ex-husband. Ano ang ginagawa mo dito?"
"We need to talk, Bek" habang lumalakad siya palapit kay Bek
"Talk?" ulit ni Bek at natawa ito sa pakiusap ng kanyang dating asawa "Parang naninibago ako sa'yo, George. May problema ka?"
"Wala. Andito lang ako para humingi sa'yo ng tawad"
"Tawad? Anong klaseng tawad? Sa palengke?"
"No. Hindi yan" at yumuko si George at doon tumulo ang kanyang luha "Hihingi sana ako ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko noon sa'yo. Simula nung pinakasalan kita, pinaasa na magiging masaya ang pamilya na gagawin natin. At nung panahon na niloko kita dahil may lalaki ako" sambit niya na may pagsisisi ang tono ng boses "Lahat ng iyon, humihingi ako tawad sa'yo. From the bottom of my heart. I am really sorry, Bek. Sorry talaga sa lahat. Sana mapatawad mo pa ako dahil inaamin ko na naging gago ako"
BINABASA MO ANG
The Illicit Affair
RomanceIsang student intern si Zeek sa Hotel na kung saan si George Salcedo ang may-ari. Hindi niya alam na may lihim na gusto si George sa kanya at nag-isip ang may-ari kung paano niya makukuha ang binata para maging kanya Pero may kasabihan nga na 'wala...