TIA: Chapter 1 (Ang Simula)

6.2K 93 4
                                    


"And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you husband and wife" sambit ng pari bilang pagtatapos ng misa ng kasal "You may now kiss your bride"

Walang sabi-sabi ay kaagad naman hinalikan ni George ang kanya nang asawa na si Bek. Halos limang taon silang mag-nobyo at mag-nobya bago sila magpakasal. Masasabi at mahahalintulad natin sila na isang karaniwang magkarelasyon dahil may mga pagkakataon na masaya at meron ding awayan at tampuhan. Pero natural naman iyon sa isang relasyon dahil wala namang perpekto na relasyon sa mundo. Ang importante ay nahanap nila ang isa't-isa at nagmamahalan talaga sila ng totoo.

Masaya ang buong bisita habang nasasaksihan nila ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ng bagong mag-asawa.

Natapos din ang seremonya sa simbahan at pumunta na ang lahat para sa reception na gaganapin sa The Deluxe Suites Hotel na kung saan si George din ang may-ari ng hotel na ito.

"Masayang-masaya talaga ako dahil kasal na kayo ng bestfriend ko, George" sambit ng matalik na kaibigan ni Bek na si Jen. Nakatayo siya sa harapan ng mga panauhin, na nakaupo at habang kumakain. "Good boy ka na ha..." dugtong niya at nagtawanan ang mga tao sa biro nito "Alam mo, kung gaano ko kamahal itong si Mads ko. Pinoprotektahan ko siya noon sa'yo dahil alam natin lahat kung gaano karami ang karibal niya sa'yo. Pero tapos na iyon at ilagay na natin yan sa nakaraan dahil ang importante ay nagkatuluyan na talaga kayo at wala nang makakasira sa samahan at pagmamahalan ninyong dalawa. Ito lang ang masasabi ko sa'yo, George. Huwag na huwag mong lolokohin ulit ang bestfriend ko kung hindi, ako na mismo ang puputol yan." Nagtawanan ulit ng malakas ang mga bisita at ngumiti din si Jen. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak-hawak na wine glass "To my Mads, Rebecca and to her husband, George. Best Wishes sa inyong dalawa."

Natapos ang reception ng kanilang kasal dakong alas-otso na ng gabi at kaagad silang sumakay sa auto na may nakakumpon na mga bulaklak sa unahan nito. Excited ang lahat lalung-lalo na ang kanyang bestfriend na si Jen dahil aalis na silang mag-asawa para sa kanilang honeymoon.

"Go Mads. Enjoy your travel tomorrow ha" payo ni Jen sa kanya "Pahinga muna kayo ngayon. Bawi na lang kayo kapag nandun na kayo sa Tagaytay. Okay?"

"Loko ka talaga, Mads. Sige na, alis na kami" sagot naman ni Bek sa kanya "Salamat po ulit sa inyo na pumunta sa kasal namin" kaway at sigaw niya sa bintana. Kaagad naman umandar ang kanilang sasakyan at isinara naman ni George ang bintanang nakabukas. Tumingin naman siya kaagad sa kanyang asawa na malagkit ang pagkatingin nito sa kanya "O bakit ganyan ka makatingin?? May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala naman." at inakbayan ni George ang kanyang asawa "Masaya lang ako dahil asawa na kita ngayon. Solong-solo na kita"

"Hmmp! Baka maghanap ka na naman ng iba ha. Ayoko na"

At kinuha ni George ang kamay niya at hinalikan ang sa likuran ng kanyang palad "Hinding-hindi ko na gagawin yon dahil nagbago na ako at mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nasa puso't-diwa ko, Mahal. Pangako yon"

"Talaga...?"

"Yes. Promise"

"Hmmm. Okay" ngiti ni Bek "Mahal na mahal din kita, George. Pinatawad na kita sa mga nagawa mo noon sa akin. At alam ko na nagsisisi ka sa ginawa mo at hinding-hindi mo na gagawin iyon"

"I love you, Mahal" tanging sagot ni George

"I love you too, Mahal"

***

Kinabukasan ng hapon ay nakadating na nga sila sa kanilang destinasyon. Nag-check-in sila sa Taal Vista Hotel para doon sila magpalipas ng ilang araw para sa kanilang honeymoon.

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon