TIA: Chapter 11 (The Offer)

1.8K 48 0
                                    


"Yes. Pinatawag kita" sagot nito pagkatapos ng ilang minutong pananahimik "Umupo ka, Zeek"

Kaagad naman umupo si Zeek sa bakateng upuan habang malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. "Bakit po, Sir?"

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Zeek" sambit nito sa binata "May nakita ka ba kanina nung pumasok ka dito?"

"Ha? Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo"

"Zeek. Alam ko na pumasok ka dito kanina at alam ko na may nakita ka" dugtong ni George "Magsabi ka na lang ng totoo sa akin. Hindi naman ako magagalit" Natahimik ng ilang saglit si Zeek, iniisip niya kung magsasabi siya ng totoo o magsisinungaling siya sa amo. "Alam ko na kinakabahan ka ngayon dahil kita ko sa mukha mo na namumutla ka. Pero huwag kang mag-aalala. Hindi ako magagalit sa'yo. Gusto ko lang naman na magsabi ka ng totoo sa akin. Magtiwala ka lang" sabay ngiti niya kay Zeek.

"Op-p-po Sir. Nak-kita ko kayo kanina" pang-uutal na sagot ni Zeek

"Ano ang nakita mo, Zeek?"

"... na may nangyayari sa inyong dalawa ng assistant mo" sabay tingin niya kay George sa mata "Pero don't worry, Sir. Hindi ko naman nakita lahat. Umalis ako kaagad eh"

Ngumiti lang si George sa sinabi ni Zeek. Tumayo ito at lumakad papunta sa kanya. "Good. Mabuti kung ganon" sambit nito.

"Ahhmmm. Yun lang po ba, Sir?"

"Oo. Yun lang"

"Pwede na po ba ako makaalis?"

"Hindi pa"

"Po..?? Bakit po?" dugtong ni Zeek. Kinakabahan na siya sa mga oras na iyon dahil baka mapaalis na siya bilang intern ng hotel "Papaalisin niyo po ba ako?"

"Ha? Papaalisin?" sambit ni George at nagulat ito sa sinabi ng binata "Hindi. Hindi pa sa ngayon. Bakit mo naitanong?"

"E kasi nakita ko kayo Sir eh. Baka papaalisin niyo na ako dahil dun"

"Of course not. Hindi ako ganyan" at kumuha siya ng isang bakanteng silya at inilagay ito sa harap ni Zeek. Doon siya umupo at tinignan ng mabuti ang binata "Maiba tayo..."

"Ano po yon?"

"Bakit ka pala pumunta dito kanina sa opisina ko? May kailangan ka?"

Ito na ang pinakahinihintay niya na sandali, ang sasabihin niya sa kanyang boss kung bakit siya umakyat dito kanina.

"Opo Sir. Meron po"

"And..? Ano yon?"

"Nahihiya po kasi ako Sir"

"No... don't be. I'm here to help" sabay hawak niya sa kamay ng binata. Nahalata naman kaagad ito ni Zeek at kinuha ang kanyang kamay. "Sorry.."

"It's okay, Sir" dugtong nito "May problema po kasi ako ngayon, Sir"

"Ano ba yon? Pwede bang malaman?"

"Si Mama po kasi. Pinautang niya sa kapitbahay namin ang lahat ng pera namin" kwento niya kay George "Kaya wala na kaming pambayad sa ilaw dahil naputulan kami at kahit panggastos para sa araw-araw ay wala na din. Hindi na nga kami makakain, Sir"

"Talaga? Kawawa naman kayo kung ganon" sambit ni George "So, ano ang maitutulong ko?"

"Kung pwede sana po, mag-uutang sana ako sa inyo ng pera" sabay tingin niya sa sahig dahil nahihiya ito "Kahit limang-libo lang po, Sir"

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon