TIA: Chapter 36 (Pagtanggap)

582 25 2
                                    


Puno ng pighati, lungkot at pagsisisi ang puso ni Zeek habang hawak niya ang baril. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon at parang wala na siya sa kanyang katinuan "Baka magamit na kita ngayon. Baka magamit na kita mismo sa sarili ko".

Kaagad siya umupo sa upuan habang tinititigan ng mabuti ang baril. Nilalaro niya ito na parang handa na siya na pumutok ano mang oras. Walang sabi-sabi ay hinawakan niya ito ng mabuti at pinunterya ang dingding ng opisina.

Kaagad niyang ipinutok ang baril, at sa sobrang ingay ay nabingi siya sa pagputok nito. Naiwan na butas ang dingding ng opisina dahil sa kanyang ginawa. Napangiti lamang si Zeek sa kanyang ginawa na pagbutas dahil kahit papaano ay nakaganti na siya kay George. "Ayaw kitang madamay sa problema ko. This is the least that I can do para mapadama ko sa'yo ang pagkakamali na nagawa ko , at dahil yan sa tulong mo"

Pagkatapos nun ay kaagad niyang itinutok ang baril sa kanyang sintido. Biglang napatulo ang luha niya habang nasa ulo niya ang baril at nasa gatilyo ng baril ang kanyang daliri. "Goodbye cruel world. Napaka-unfair mo"

Ipuputok niya na sana ang baril nang may pumasok sa kanyang opisina. "Zeek.... HUWAG!" sigaw ni Hazel habang tumakbo siya ng mabilis patungo kay Zeek. Huminto lang si Hazel sa may bandang mesa ni Zeek. Ayaw niya itong bibiglain at hilahin ang baril dahil baka maiputok ni Zeek ito sa kanyang ulo. "Zeek. Ibaba mo yan"

"Wala nang nagmamahal sa akin, Sirang-sira na ang buhay ko. Mas mabuti pa na tapusin ko na lang ang buhay ko" sambit niya habang umiiyak na parang bata.

"Ano ba ang pinagsasabi mo..? May mga nagmamahal sa'yo.. Andito ako.. ang Mama mo" sambit niya dito habang nakatutok pa rin ang baril sa ulo ni Zeek "Parang awa mo na, Zeek. Ibaba mo na yan. Mag-usap tayo"

"Mag-usap..? Diba pinuntahan kita kanina at humihingi ako ng tawad sa'yo? Nagmamakaawa na pakinggan mo muna ako. Pero ano..? Hinusgahan ninyo ako ng Mama" tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak "Pare-pareho lang kayong lahat" dinidiin pa ni Zeek ang baril sa kanyang ulo.

"Zeek. Zeek. Oo. Inaamin ko na hinusgahan kita. Nagkamali ako dun" sambit niya kay Zeek na parang pinapakalma niya ito "Pero kailangan ding malaman ng Mama mo ang katotohanan"

"Para ano? Para itaboy niya ako at hindi ituring na anak? Ganon ba yon?!"

"Hindi, Zeek. Mahal ka ng Mama mo. Maniwala ka"

"Sinunggaling. Kung mahal niya ako, sana tinanggap niya ako kung ano man ang ginawa kong kasalanan!" habang namumula na siya sa galit at iyak. "Hindi na tinaboy at tinakwil na parang hayup!"

"Nagulat lang kami sa nagawa mo, lalung-lalo na ang Mama. Pero mahal ka namin. Maniwala ka. Tanggap kita kung ano ka at ano ang ginawa mo noon" patuloy pa rin ang pagpapakalma niya kay Zeek "Wala namang kwenta yun eh. Ang importante kung ano ka ngayon at ano ang pagkatao mo, hindi ang nagawa mo"

Doon na luminaw ang isip niya at napagtanto na tama si Hazel. Nagkamali siya sa kanyang inakala sa kanilang dalawa at baka tama nga ang sinabi sa kanya na mahal siya nina Hazel at ang kanyang ina na si Vivian.

Biglang nahulog ang baril sa kanyang kamay. Humagolhol ng todo si Zeek dahil muntikan niya nang putulin ang buhay niya dahil sa isang pagkakamali na hindi siya mahal ng mga taong mahal niya.

Kaagad naman siya pinuntahan ni Hazel, sinipa palayo ang baril at niyakap niya ng sobrang higpit ang nobyo.

"Sorry, Hazel. Sorry talaga. Naging mahina ako" iyak ni Zeek "Muntikan ko nang patayin ang sarili ko"

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon