TIA: Chapter 33 (Sikreto ni Zeek)

818 24 2
                                    


Nagmamadaling pumasok si George sa kanyang opisina at umuusok ito sa galit sa kanyang nakita kina Zeek at Hazel.

"So nakita mo na sila?" tanong ni Bek habang nakatayo at nakatingin sa kanya "Tama ako diba? Sabi ko sa'yo eh. Niloloko ka lang niya"

"Shut up, Bek. At ano ang ginagawa mo pa dito sa opisina ko? Umalis ka na dito"

"Tell me, George. Nung nakita mo sila na magkasama, ano ba ang nararamdaman mo sa mga oras na iyon?" dugtong ni Bek kay George "Natuwa? Nagselos? Nagalit o mababaliw?"

"Im warning you, Bek. Umalis ka na"

"Bakit? Anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako? Hindi na ako natatakot sa'yo, George"

"Then shut up. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kagalit sa ginawa niya"

"Alam na alam ko ang kung ano ang nararamdaman mo ngayon, George. Believe me. Dahil napagdaanan ko rin yan noon" ngiti ni Bek sa kanya "Ang ibinigay mo sa kanya ang buong pagmamahal mo pero iba pa rin ang kanyang mahal"

"Huwag ngayon, Bek. Huwag mong i-ungkat ang matagal nang natapos na relasyon natin"

"Bakit? Ganon din naman yon. Pareho na tayong biktima ng pagmamahal, my dear ex-husband"

"Iba ang kuwento natin noon kumpara sa amin ngayon ni Zeek" sabat ni George "Pinilit ko naman na mahalin ka pero ikaw rin mismo ang tumulak sa akin na maging malamig at maghanap ng iba"

"Ganon pa rin yon. Pinaasa mo pa rin ako" pagdidiin nito sa dati niyang asawa "Hindi mo pinanindigan ang pinangako mo sa akin sa harap ng Diyos"

"Baka nakakalimutan mo na pinilit lang ako ng magulang mo na pakasalan ka. I married you because of our grandfather's business deal" sabat ni George sa kanya. Biglang natahimik si Bek dahil hindi siya makasagot sa sinabi ni George sa kanya na katotohanan "Kaya tumahimik ka na, baka hindi ko makapagpigil sa galit at masaktan kita"

Ngumiti na lang si Bek sa kanya at kaagad namang lumabas sa opisina ni George.

***

Nasa front desk si Hazel at may hinihingi ito sa babae.

"I'm sorry po, Ma'am" sambit ng babae na nagtatrabaho sa front desk "Bawal po talaga sa amin na magbigay ng personal information tungkol sa mga empleyado lalung-lalo na sa mga may-ari ng hotel eh. Baka mapagalitan kami"

"Sige na Miss. Please, Kailangan ko lang siyang makausap" pagmamakaawa ni Hazel sa kanya "Kahit cellphone number na lang"

"Sorry po, Ma'am. Hindi talaga pwede"

"What's happening here..?" sambit ni Bek habang lumalakad patungo sa kanilang dalawa sa front desk.

"Kasi po, Ma'am Bek. Humihingi siya ng address at cellphone number po ninyo. Pero hindi ko po ibinigay sa kanya" paliwanag ng babae kay Bek.

Napatingin naman si Bek kay Hazel at hindi pinansin ang babae na nasa front desk.

"Bakit ka humihingi ng address ko? Anong kailangan mo sa akin, Hazel..?"

"Gusto ko lang makausap kita ng personal"

May halong ngiti at gulat ang nakapinta sa mukha ni Bek nang sinabi iyon ni Hazel "Makausap? Bakit naman? Tungkol ba'to sa nakita mo kanina na nagkayakapan kami ng mahigpit ng dati mong nobyo?"

"Oo"

"Bakit? Masakit ba? Na makita mo siyang may kayakap na iba?"

"Yes. Masakit. Pero hindi pa ako kontento at napabilib sa pinakita ninyo sa akin kanina"

The Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon