Unang araw ng mga Magbanua sa Amerika at masaya ang mag-asawa na sina Arnold at Daisy dahil nandoon na ang buong pamilya lalung-lalo ang kanilang anak. Sama-sama nilang harapin ang mga bagong hamon sa bansa na hindi pamilyar sa kanila.
Pero iba ang nararamdaman ni Hazel. Malungkot at walang ganang bumangon sa kanyang kama. Nakatingin lang ito sa kisame ng kanyang silid na hindi kumukurap ang mga mata. 'Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Ayaw ko dito sa Amerika. Miss na miss ko na si Zeek, ang Cookie ko' sambit niya sa kanyang sarili habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya namalayan na pumasok pala sa kanyang kwarto ang kanyang Mommy. "Hazel. Bakit hindi ka pa bumabangon diyan? Diba ang usapan natin ay maaga pa tayong aalis? Pupunta tayo sa bagong school mo dito. Aasikasuhin natin ang mga papers mo para makapasok ka na agad" pero hindi siya umimik sa kanyang ina at patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Napansin naman ito ni Daisy at tinignan niya ng mabuti ang pisngi ng anak na parang basa ng luha "Umiiyak ka ba?"
"Hindi po, Mommy" sabay punas ng kanyang pisngi "Sinisipon lang ako"
"Umiiyak ka eh. Huwag mo nga akong lokohin" lapit niya sa kanyang anak "Bakit ka naman ba umiiyak?"
"Wala nga po..."
"Tungkol ba 'to sa lalaki na iniwan mo sa Pilipinas?" panghuhula ni Daisy "Diba ang sabi sa'yo ng Daddy mo ay kalimutan mo na siya? Andito na tayo sa Amerika, anak. We can start a brand new life here"
"But Mom. Mahal ko si Zeek. Miss na miss ko na siya. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas"
"Huwag na huwag mong gagawin yan, Hazel" pambabanta niya sa anak "Alam mo na magagalit ang Daddy mo kapag hindi mo sinunod ang gusto niya"
"Pero..."
"...No buts, Hazel. Sundin mo na lang ang Daddy mo para walang gulo. Paran naman sa'yo ito eh"
"Mom. Bakit ganyan ka? Nung nakilala mo noon si Zeek, ang sabi mo masaya ka para sa amin at hinding-hindi ka sasagabal sa pag-iibigan namin"
"Kasi iba na ngayon, anak. Alam na ng Daddy mo ang tungkol sa kanya at ayaw niya kay Zeek" paliwanag nito sa anak "Ayaw ko naman na mag-away kami ng Daddy mo para lang sa lalaking iyon. At isa pa, tama naman siya. Wala kang makikitang kinabukasan kay Zeek"
"Pero Mom. Mahal ko nga siya. Hindi ko siya kayang iwan"
"Bakit napakatigas ng ulo mo? Ano ba ang pinakain sa'yo ng lalaking iyon na parang ayaw mo siyang iwan at bitawan??!"
"Hindi pa ba sapat na mahal ko siya?"
"Hindi" sagot ng ina na matigas ang tono ng boses "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pag-ibig o pagmamahal ang dahilan para mabuhay sa mundong ito. Kailangan ding gamitin ang utak para mabuhay" doon na siya lumakad palabas ng silid ng anak "Sige na... magbihis ka na at pupunta tayo sa bagong school mo"
Walang nagawa si Hazel kundi sundin na lang ang kanyang magulang, dahil kahit lalayas siya sa kanilang bahay ay wala pa rin siyang pera pauwi sa Pilipinas.
Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay sundin muna sila, para kung matapos niya na ang kanyang pag-aaral ay babalik siya kaagad ng Pilipinas. At siguro tama din naman sila dahil wala namang magulang na magkagusto na mapahamak ang anak.
Kaagad siyang tumayo sa kama at tinignan ang Mommy niya "Sige Mommy. Magbibihis na ako"
"Mabuti naman at tumayo ka na" dugtong ni Daisy sa anak na pinunpunas ang kanyang mga luha sa pisngi "Sundin mo lang kami because it's for your own good... and for your future"
BINABASA MO ANG
The Illicit Affair
RomanceIsang student intern si Zeek sa Hotel na kung saan si George Salcedo ang may-ari. Hindi niya alam na may lihim na gusto si George sa kanya at nag-isip ang may-ari kung paano niya makukuha ang binata para maging kanya Pero may kasabihan nga na 'wala...