Nabigla si Zeek sa kanyang narinig kay George na pinaalis na si Lucas sa hotel. Hindi niya na alam kung paano magagawa ang utos ni Bek sa kanya.
"Bakit Sir? Ano ba ang ginawa niya?"
"Binastos niya ako kahapon dito. Sa sarili ko pang opisina" kwento niya kay Zeek.
"Ganon lang po?"
"Yes. Ganon lang. Malaking kaparusahan ang pambabastos niya sa akin" pagdidiin ni George "Anyway, maiba ako. Naghahanap ako ng papalit sa kanya"
"Okay Sir. May maitutulong ba ako?"
"Yes"
"Ano po yon? Sabihin niyo lang po. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa'yo"
"Well. Gusto ko na ikaw na mismo ang papalit sa kanya"
Nanlaki muli ang mga mata ng binata sa sinabi sa kanya "Po...?"
"You heard me. Ikaw na ang bagong assistant ko"
"Pero bakit po ako?"
"Why not? I think you're qualified naman for the position" sagot ni George "Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto naman Sir. Gustong-gusto. Pero ang bilis naman kasi. Nagulat ako dun" paliwanag ni Zeek "Baka nabigla ka lang na ako pinili mo"
"No. Hindi ako nagkakamali o nabigla sa desisyon ko. Ikaw talaga ang gusto ko" sabay ngiti ni George sa reaksyon ng binata "Alam mo, sa lahat ng mga empleyado ko dito, ikaw lang ang parang ayaw na maging Executive Assistant"
"Kasi Sir. Parang may mali kasi eh"
"Mali..?? Anong mali diyan? Ako na mismo ang nag-aalok sa'yo ng trabaho dito sa hotel, ayaw mo pa?" pilit niya pa ito sa pangungumbinsi ang binata "Kung iniisip mo ang tungkol sa nangyayari sa atin. Well, tuloy pa rin ang deal na iyon. Ibibigay ko pa sa'yo ang kalahati kapag natapos na ang deal natin, plus... may sweldo ka pa sa pagtatrabaho mo dito" paliwanag ni George "Oh. Saan ka pa..?"
"Pero paano ang OJT ko, Sir? Meron kasi kaming required number of hours sa pagduduty eh"
"Don't worry. Ako na ang bahala diyan. Ako na ang kakausap sa Adviser mo" paniniguro sa kanya ng may-ari "Pinapangako ko na magmamartsa ka pa rin sa graduation ninyo"
"Sige po. Pag-iisipan ko po iyan"
"No. Huwag mo nang pag-isipan. Kunin mo na ang opportuniyy na 'to. Minsan lang mangyayari ito. Trabaho naman ito Zeek"
"Hmmm. Sige po. Kung iyan ang gusto ninyo. Basta po, ikaw ang bahala sa HR at sa Adviser ko"
"Don't worry. I will"
"So kailan po ako magsisimula?"
"Ngayon na"
"Po..? Kaagad?"
"Yes. Ngayon ka na mag-uumpisa"
"Bakit ang bilis? Hindi naman ako nakapaghanda, Sir" dugtong ni Zeek sa sinabi ng kanyang boss "At isa pa po, hindi ko naman alam kung ano ang magiging trabaho ko"
"Ako na ang bahala diyan, Zeek. I will teach you" paniniguro niya sa binata "Pasensiya na kung biglaan ito. Kailangan ko talaga ng assistant ngayon eh"
"Okay po"
"So, are we good?" tumango naman si Zeek bilang sagot "Well, lumabas muna tayo at doon kita tuturuan dahil nakatambak na ang mga papeles ko doon"
BINABASA MO ANG
The Illicit Affair
RomansaIsang student intern si Zeek sa Hotel na kung saan si George Salcedo ang may-ari. Hindi niya alam na may lihim na gusto si George sa kanya at nag-isip ang may-ari kung paano niya makukuha ang binata para maging kanya Pero may kasabihan nga na 'wala...