Nakaupo si Zeek sa hapag-kainan habang malalim ang kanyang iniisip. Hindi pa rin siya mapakali sa sinabi kahapon ng kanyang boss. Ito ay tungkol sa alok nito na hindi niya ipagkakalat ang nakita niya at ang ikalawang kondisyon na papayag siya na may mangyari sa kanila kapalit sa pera na ibibigay sa kanya ni George.
"Anak.." bati ni Vivian kay Zeek habang lumalapit siya dito "Bakit ka pa andito? Hindi ka ba papasok?"
"Hindi po, Ma" sagot naman niya "Day-off ko po ngayon"
"Kaya pala" sambit ni Vivian "Oo nga pala, nak. May pera ka na ba diyan? Pambili sana natin ng pagkain eh"
"Wala pa, Ma. Umutang ka na lang muna sa tyangge"
"Yun nga, nak eh. Hindi na ako papautangin sa tyangge. Kasi malaki na daw ang utang natin"
Napatingin na lang si Zeek sa kanyang ina at napahinga ng malalim "Ganon ba? Huwag po kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan bukas. Susubukan kong muli na manghingi ng pera sa mga kasamahan ko sa hotel" sambit ni Zeek habang nakangiti pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghihirap nito "Sa ngayon po, magda-diet muna tayo. Uminom lang muna tayo ng tubig. Wala naman tayo magagawa eh"
"Sige anak" tanging sagot ni Vivian kay Zeek. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay ng anak "Zeek anak. Galit ka pa rin ba kay Mama?"
"Hindi po, Ma. Bakit niyo naman naitanong yan?"
"Kasi hindi mo ako pinapansin anak eh" sagot niya sa anak "Kahapon mo pa ako hindi pinapansin nung pag-uwi mo. Naisip ko tuloy na galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko"
"Ma naman.." sabay tingin niya sa mga mata ng ina "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo. Siguro sumama lang ang loob ko pero hindi ako galit sa'yo"
"Talaga anak? Pasensiya na talaga ha"
"Ayos na nga yon, Ma" sagot ni Zeek "Marami lang kasi akong iniisip ngayon kaya hindi kita napansin. Maraming bumabagabag sa isip ko eh"
"Ano ba ang problema mo, anak? Baka makatulong ako sa'yo"
"Wala 'to, Ma. Kaya ko naman ito"
"Tungkol ba 'to sa pera anak?" pero hindi sumagot si Zeek sa tanong ng ina "Pasensiya na talaga anak ha. Naipasa ko pa sa'yo ang responsibilidad ko"
"Responsibilidad din naman kita, Ma. Dahil ikaw ang ina ko at ang natatanging pamilya ko" dugtong niya sa ina "Kaya itigil mo na ang paghingi ng tawad dahil hindi naman ako galit sa'yo"
"Salamat anak" sagot ni Vivian "Napakabuti mo talagang bata"
"Mahal na mahal kita, Mama"
"Mahal na mahal din kita, anak" sagot niya kay Zeek "Teka lang ha, iinom muna ako ng tubig. Gutom na gutom na kasi ako, kahapon pa 'to eh
Kaagad tumayo si Vivian at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig para pampatawid gutom. Nakita naman ito ni Zeek at parang nagi-guilty ito dahil kita sa mukha ng ina niya na gutom na gutom na pero wala silang pera para ipambili ng pagkain.
***
Kinabukasan. Sa hotel.
Katatapos lang bumihis si Zeek ng kanyang uniporme at handa na pumasok sa trabaho. Nilagay niya ang kanyang hinubarang damit sa bag nang may biglang nagsalita mula sa pintuan.
"So, how's your off kahapon?" bati ni George habang lumalakad papasok sa locker-room
"Sir. Andito ka pala. Nagulat ako" sambit ni Zeek "Okay naman po. Nakapagpahinga din sa wakas"
BINABASA MO ANG
The Illicit Affair
RomanceIsang student intern si Zeek sa Hotel na kung saan si George Salcedo ang may-ari. Hindi niya alam na may lihim na gusto si George sa kanya at nag-isip ang may-ari kung paano niya makukuha ang binata para maging kanya Pero may kasabihan nga na 'wala...