Chapter 6

2.1K 102 45
                                    

Xien's POV

"A-aray, Azrael! Dahan dahan naman kasi!" Inis na tugon ko kay Azrael.

"Shut Up. Nag iingat na nga ako eh!" Inis din na sagot niya, siguro dahil narin sa naiinip na siya. Dahil kanina pa namin ginagawa ito.

"W-waittttt! Aray. ahhh shems salamat naman" sabi ko ng nailagay na namin yung singsing sa kamay ko na galing pa kay daddy. Kay Max sana ako magpalatulong kaso naalala ko na may pasok siya kaya kay Azrael nalang. Total parehas naman kaming tambay sa Mansion.

"U-uhmm. Xien, may nagpapakita paba sayo?" napalingon naman ako sa kanya nung itanong niya yun.

"L-last night meron akong nakita. It's a boy, at palagi niyang binabanggit yung " Tulungan mo ako, Jane" T-that's weird. I don't know kung sino si Jane. Paano ko siya matutulungan kung hindi ko alam kung paano sila namatay at kung sino ang pumatay sa kanila?." Mahabang pahayag ko sa kanya. Tumungo naman siya na tila nag iisip.

"Jane? Parang narinig ko na yan tuwing nanaginip si Shaine. Palagi niyang binabanggit yan"

"Si Shaine? What if, tanungin natin siya. Diba, malay mo or malay natin may alam siya" tumango naman siya bilang pag sang ayon. Tumayo ako at tumingin kay Azrael.

"Ohh kay, so hintayin mo nalang sila Max at Shaine na dumating. Maglilinis pa kasi ako ng kwarto ni Max eh. Bye" sabi ko tsaka nagsimula ng maglakad.

Habang paakyat ako ay iniisip ko kung ano ang hakbang na gagawin ko para matulungan ko ang mga ligaw na kaluluwa dito sa mansion.

Tama ba na tulungan ko sila?
O mali dahil baka may kapalit?

Nang nakaakyat na ako ay nakita ko nanaman ang kwarto na napasuka ko dati. Plain White lang ang labas nito pero mahahalata talaga na luma na dahil sa mga anay na nagkalat sa pinto.

Natutukso akong pumasok kaya naman hindi kona napigilan ang sarili ko. Unti unti kong binubuksan ang pintuan. Pagkabukas ko ay hindi inaasahan ang nakita ko.

Ibang iba ito sa kwarto na nakita ko nung nakaraan, andaming dugo. Kakaiba ang aura ng kwarto na ito sa ngayon, may mga nagkalat na lumang imahe na may bakas pa ng dugo, yung mga sapot ng gagamba. Ang dami. Tumingin ako sa kabilang gawi at nakita kong may nakasulat doon na...

"Parang awa mo na, Jane. Tulungan mo kami"

Dugo. Dugo ang ginamit na pang sulat dito. Nagdadalawang isip na tuloy akong pumasok ng tuluyan dahil wala pa ako sa loob ay nangangatog at namamawis na ang mga kamay ko.

Habang unti-unti akong naglalakad papasok dito ay kinilabutan agad ako sa malamig na aura'ng dali nitong kwarto. Niyakap ko ang sarili kong braso sa sobrang lamig. Naririnig kopa ang tunog ng tsinelas ko habang naglalakad ako.

"Wahhh" Gulat akong napatingin sa matandang lalakeng nakaupo sa upuan. Nakatungo lang ito, pero hindi siya multo. Nakakasiguro ako doon dahil bukod sa kulubot na ang balat niya ay humihinga pa siya.

"Sino kapo? Waa--" Hindi ko natuloy ang pagsigaw ko dahil agad siyang tumayo para takpan ang bibig ko.

"Hmmmpp hmmpp" pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa bibig pero napakahigpit nito.

"Papakawalan kita Xien pero para mo ng awa wag kang mag iingay" saglit akong natigilan dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Bakit niya ako kilala?

Tumango ako bilang sagot. Unti-unti niyang binibitawan ang pagkakahawak niya sa akin. Ng makabitiw na siya ay agad akong lumayo sa kanya. Tila nagulat naman siya sa ginawa ko pero tumungo nalang ako.

"Hindi mo ba talaga natatandaan kung sino si Jane, Xien?" agad akong napaangat ng tingin nung nagtanong siya. Sa pagkakaalam ko ay si Jane yung paulit ulit na binabanggit ng mga kaluluwa na nakikita ko.

"I don't know her, p-pero palagi siyang binabanggit ng mga.. ng mga.." tumungo ulit ako, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang mga nalalaman ko at maging ang aking nakikita. Hindi ko siya kilala.

"ng mga? tell me. Hindi ako kung sinong tao lang. Alam ko ang nangyari sa mansion na ito, kaya pagkatiwalaan mo ako." Iniangat ko ang aking tingin ngunit hindi sa matandang lalakeng ito, kundi kay Azrael na bigla-biglang pumasok dito.

"A-umm. I'm sorry. Xien, sino siya? bakit siya nandito?" Takang tanong niya at pabalik balik ang tingin sa akin at sa matandang ito.

"Hindi ko alam, Azrael. Nakita ko lang siya dito kanina" tumingin ako sa matandang lalake na ngayon ay nakatingin na ng kakaiba kay Az.

"I-ikaw! ikaw si azrael, Ang anak ni Ariana at Rafael" gulat namang napatingin sa akin si Azrael.

"Excuse me? bakit mo po kilala sila mommy and daddy?" tanong ni azrael sa matanda.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niyo lahat. Xien at Azrael, nakakakita ba kayo ng mga kaluluwa dito? Sagutin niyo ako. Wag na wag kayong magsisinungaling sa akin. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag nalaman ko na nagsisinungaling kayo." Striktong sabi niya tsaka naglakad papunta sa salamin kung saan nandoon pa ang dugo.
Walang umimik sa amin ni Azrael, nagpaparamdaman kung sino ang sasagot. Nanatili lang kaming tahimik at nagmamatyag sa kilos ng matandang ito.

Ipinunas niya ang kanyang hintuturo sa pangalang may dugo.

"Jane" mahinang bigkas niya saka dinilaan ang daliri niyang may dugo. Nagkatinginan kami ni Azrael at sabay na napalunok.

Nagulat naman ako ng may basang humawak sa kamay ko.Pagtingin ko ay si Azrael pala
-__-..

"Sino po ba kayo?" lakas loob na tanong ni Azrael. Tumingin sa amin ang matanda ng may luha sa mata.

"Bumalik na siya. Bumalik na si Jane. Maghanda na kayo." saka siya naglakad papunta sa bintana at doon na lumabas. Biglang lumakas ang hangin at biglang nagpatay sindi ang ilaw.

"Ateeee! Kuya Azraeeellll nasaan na kayooo?" biglang tumigil ang pag patay sindi ng ilaw nung tinawag kami ni Shaine. Dahil sa kaba at taranta ay sabay kaming tumakbo palabas ni Azrael.

"Ohh. Kuya Azrael saan kayo galing ni ate?" tanong ni shaine. Tumingin ako kay azrael at umiling, nagpapahiwatig na wag niyang sabihin.

"Nagdate sa kwarto" Mabilis na sagot ko at tumakbo sa CR.

Shit. Ano yung sinabi ko!?

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon