Chapter 5

2.1K 110 39
                                    

Shane's POV

Alam ko. Alam ko ang nangyari sa pamilya nila Maxwell dati, alam ko kung ano ang nangyari sa Mansion na ito.

Alam ko ang unang sikreto ng Pamilya nila Max.

Pero hindi ko masabi sa kanila. Bakit ba naman nila papaniwalaan ang isang batang babaeng katulad ko? Bukod sa napaka bata ko pa ay hindi rin naman kapani-paniwala ang mga nangyari dati.

"Apo, nais kong sabihin sayo ang nalalaman ko sa pamilya nila Maxwell at sa Mansion na iyon" Huh? bakit?

"L-lolo? Nalalaman? tungkol saan po?" hindi maka paniwalang sagot ko. Naguguluhan narin ako, ano bang kinalaman ni lolo dito?

"Madaming sikreto sila Jane at Mariano." Mariano at Jane? alam ko sila ang nanay at tatay ni Max at ate Xien. Magsasalita pa sana ako pero agad niya akong inunahan. Hanep.

"Noong bata pa lamang si Xien ay palagi na siyang binubogbog ni Jane. Anak sa labas si Xien, yun ang unang sikreto " tumigil siya sa pag ku-kwento at tumingin sa akin. Ako naman ay sobrang gulat sa mga naririnig kong kwento kay lolo. Ni minsan hindi ko inisip na ampon lang si ate Xien, dahil bukod sa magkamukha sila ni Max ay sobrang close nila sa isa't isa.

"Pagkatapos ng kasal ni Mariano at Jane ay tila nag iba ang ugali ni Jane. Ayaw niya ng lumalabas si Mariano sa bahay nila o di kaya naman ay sasamahan niya pa ito kahit saan magpunta. Nagging disperada si Jane sa pagmamahal ni Mariano. Pero hindi ito nagustuhan ni Mariano, isang gabi ay tumakas ito habang natutulog si Jane. At doon niya nakilala si Glenda, nanay ni Xien. Nang nalaman ni Jane ito ay ipinahanap niya si Glenda at pinapatay, hindi niya napatay si Xien dahil itinakas ito ni Mariano" Gulong gulo na ako. Maniniwala ba ako kay lolo? paano niya nalaman lahat?

"E-eh lolo, paano niyo po nalaman lahat ng ito?" tumitig siya ng mainam sa mga mata ko.

"Anak ko si Glenda, kapatid ni Grace. Ang nanay mo"

"Shit" mahinang bigkas ko. Hindi ako makapaniwala. So, pinsan ko pala si ate Xien? Damn.

"Hindi ko ito sinabi dahil gusto kong ungkatin ang nakaraan. Sinabi ko lang ito upang may alam ka sa nangyayari." tumayo siya kaya napaangat ako ng tingin.

"Kung maari ay wala kang pagsasabihan nito. Lalo na si Xi--"

"LOLO!!!" Sigaw ko. Napatao ako ng biglang lumutang si lolo sa ere.

"Arghhhh! Bitawan mo ako!" Sigaw din ni lolo, labis ako nagtaka kung sino ang kinakausap niya.

"DAPAT KANG MAMATAY!" Isang boses. 'Boses ng Demonyo'. Napukaw ako sa aking kinatatayuan nung narinig ko iyon.

Nakakatakot.

Natatakot ako. Hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto kong tulungan si lolo pero mas pinili kong wag mangialam dahil sa takot.

"H-hindi! Jane tumigil kana!" S-si Tita Jane? Ang mama ni Max.

"Shaine tumakbo ka na!" Dinala ko na ang maleta ko at tumakbo. Nangingilid na ang luha ko.

Ni hindi ko manlang natulungan si Lolo.

Lolo, Sorry. Babalikan kita. Pangako.

EDGARDO'S POV (Lolo ni Shaine)

Bumalik na siya. Bumalik na si Jane.

"Apo, mag iingat ka"

Bulong ko, bago ako pumikit.


The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon