Chapter 10

1.7K 79 42
                                    

Xien's POV

"Papatayin kita, Xien" nanginginig at namamawis na ang kamay ko sa sobrang takot. Kinakabahan rin ako habang nakatingin sa babaeng blurred ang mukha. Hindi ko matukoy kung ano o sino ito dahil malabo pa sa relasyon niyo ang mukha nito.

"H-huwag.." mahinang bigkas ko. Sa sobrang takot ay ni hindi kona magawang magsalita kahit isa. Ngumisi ito ng nakakaloko at dahan dahang lumalakad papunta sa aking kinaroroonan. Umiling ako ng maraming beses, ni hindi ko magawang tumakbo o pumunta sa kahit saan, tila ba'y napako na ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sabayan pa ng kidlat dahil umuulan sa labas

"Natatakot kana ba? Sige ganyan nga. Matakot ka hahaha!" Para siyang nababaliw sa tono ng kanyang pagsasalita. P-pero parang narinig kona ang boses na iyan. Parang pamilyar pero hindi ko naman maalala kung kaninong boses ito.Namatay ang sindi ng ilaw.

Nang biglang kumidlat ng malakas. Maliwanag.
Napakabilis ng pangyayari, ni hindi ko manlang naramdaman na nasa harapan kona siya habang hawak hawak ang matulis na kutsilyo. Tinitigan ko ito at may nakita akong bakas ng dugo.

"Mga walang hiya kayo!" Sigaw niya saka itinaas ang kutsilyong hawak niya. Naguguluhan akong umatras.

"PAPATAYIN KITA XIEN!"


"Ahhhhhhhhh!!" sigaw ko at biglang napaupo mula sa aking pagkakahiga.Para akong nakikipag karerahan sa sobrang hingal, maging ang katawan ko ay pawis na pawis. I-ibig sabihin panaginip lang iyon? Pero bakit napakasamang panaginip naman ata?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. At iniluwa nito ang nagaalalang mukha nila Azrael, Shaine at Max.

"Ateeee! anyare sayo!?" prangkang tanong ni Shaine saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko, hinawakan niya ang kamay ko kaya tiningnan ko siya at nginitian.

"Wala! ano ba kayo? Bumalik na kayo sa kwarto niyo saka matulog. I'm fine, don't worry gals" sagot ko.

"Are you sure ate? You're a liar. Sisigaw ka ba kung wala namang nangyaring masama o maganda? Baliw lang?" seryosong tanong ni Max. Napatingin ako kay Azrael dahil nagsalita ito.

"Nightmare?" nanlaki ang mata ko, paano niya nalaman?

"Paano ko nalaman? well, iyan lang ang nakikita kong dahilan kung bakit ka sumigaw" saad niya ngunit hindi ito nakatingin sa akin.

Hindi na ako sumagot kaya naman binalot kami ng katahimikan. Lumapit si Azrael sakin.

"Napanaginipan mo ba si Jane?" mahina niyang tanong pero tama lang para marinig ko, namin. Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Shems hindi alam ni Shaine at Max ang tungkol dito.

"J-jane sinong Jane? Kilala niyo siya?" namumutlang sabi ni Shaine kaya naman itinuon ko ang atensyon ko sa kanya.I'm not sure but I have this instinct na may alam si Shaine sa nangyayari.

"Bakit shaine? May kilala ka rin bang Jane?" lalong nabalisa si Shaine nang marinig niya ang seryoso tanong ni Azrael.

"A-ah. Wala.. Umm sige, Matutulog na po ako" saka siya dali daling tumayo at lumabas. Napatingin si Max na kanina pa walang kibo kay Shaine na kalalabas lang ng pinto. Dahil sa marami akong gustong malaman ay tumayo din ako at sinundan si Shaine.

Tumakbo ako papunta sa kwarto niya hindi ito kalayuan sa kwarto naming tatlo kaya naman hindi ako mahihirapan. Naabutan ko siyang nagbubukas ng pinto kaya agad ko itong nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa braso.

Agad siyang napalingon sa akin.

"A-aray ate, nasasaktan ako ano ba!" sigaw niya. Nararamdaman ko na may alam si Shaine tungkol sa nangyari dito sa Mansion. Pero hindi ko papaniwalaan ang nasa isipan ko hanggat hindi pa ito sinasabi ni Shaine.

"I just wanna ask something, but please. Please Shaine, be honest to me. I'm not gonna eat you so don't be afraid to answer my question" diretsahang sabi ko at tumitig ng masinsinan sa mata niya. Napalunok ito ng mariin.

"May alam ka ba sa nangyayari dito sa Mansion?"

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon