Chapter 29

633 25 6
                                    

Azrael's POV

Napabuntong- hininga ako at pinatong ang kamay ko sa kamay ni Xien. Matapos ang gabing iyon ay dinala namin sa hospital si Xien, Shaine at si tatay Edgardo. Hindi naman ganoon kalala ang natamong sugat ni Shaine at Tatay, pero sabi nila ay napakasakit ng katawan nila kaya hinayaan muna namin silang magpahinga. Ilang linggo rin silang nagpahinga, ngayon ay okay na sila. Si Xien nalang.

Hanggang ngayon hindi pa siya nagigising. Sa palagay ko ay magda-dalawang buwan na siyang nakaratay rito sa hospital.

Ayon kay Doc. Jems, ayos naman daw si Xien. Sadyang na-trauma lang ang katawan niya, hindi magtatagal ay baka magising narin ito ngunit hindi na ganoong kaaktibo katulad ng dati. Posible rin daw na may mga bagay o pangyayari itong hindi maalala.

Inayos ko ang humaharang na buhok sa kanyang mukha.

Para sa akin, mas maganda na makalimutan niya na yung mga nangyari nitong nakaraang buwan. Mas makabubuti sa kanya kung wala siyang alam sa nangyaring iyon. Dahil kung maalala niya iyon, tiyak na babagabagin siya ng kanyang kuryosidad sa mga nangyari, kay Jane at sa tunay niyang nanay.

Oo, alam ko na lahat. Papasok na dapat ako sa kwarto dala-dala ang mga gamit ni Xien, nang marinig ko ang usapan nila. Sobrang nagulantang ako dahil pati si daddy sangkot dito. Hindi nalang ako tumuloy sa pagpasok dahil baka malaman nila na may alam na ako.

"A-ah.. na-nasaan ako?." Napatingin ako kay Xien.

"Damn it."

"I-ikaw.. sino ka?"
Tumayo ako at tatakbo na sana sa labas upang tawagin si Doc Jems ngunit hinawakan ni Xien ang kamay ko. Kunot noo itong nakatingin sa akin.

"Ako si Azrael, hindi mo ba ako maalala Xien?" Siguro nga tama si Doc Jems. May mga bagay at pangyayari siyang makakalimutan. Kasama na doon ang mga taong nakapalibot sa kanya.

"Hindi.. nasaan si mama? Mama! Mama!" Ngayon ay kilay ko naman ang nagkasalubong.

"Sinong mama? Xien, patay na ang mommy mo!" Hindi ko maiwasang hindi siya pagtaasan ng boses. Para kasi siyang bata sa inaasal niya ngayon. Umiling ito ng maraming beses kasabay ang sunod-sunod na butil ng luhang tumutulo galing sa mata niya.

"H-hindi patay ang mama ko!"

"Ang huli kong natatandaan Kasama ko si  papa sa kwarto eh.. iniwan niya akong dalawa doon sa kwarto..
t-tapos gumawa ako ng paraan para.. para makalabas sa kwartong 'yon, tumakbo ako sa swimming pool kasi narinig kong sumisigaw si papa...." nagulat na lamang ako nang humihikbi ito.

Hindi kaya, naalala ni Xien ang nakaraan at ang nakalimutan niya ay kasalukuyan?

Hindi ko matiis na nakatingin lamang sa kanya na umiiyak kaya nilapitan ko ito at niyakap. Binaon niya ang kanyang ulo sa dibdib ko.

"Tapos.. pagkalabas ko sa pintuan ng swimming pool, bigla nalang akong natumba.. Nandilim yung paningin ko kasi..."Patuloy lang siya sa pagku-kwento. Huminto ito at humagulgol ng sobra-sobra.

"Xien, tama na.. Shh.."

"Kasi, may naramdaman akong pumasok sa ulo ko. Sobrang sakit no'n... akala ko.. akala ko mamamatay na ako nung unti-unti nang lumalabo ng paningin ko.."

"Pero, laking pasasalamat ko sa matandang lalake... Bago ako mawalan ng malay, nakita kong binuhat niya ako."

Umalis ito sa mga bisig ko at parang bata na pinunasan ang luha niya.

"Pero alam mo, pagkatapos no'n naggising na lang ako sa hospital. Wala akong maalala kahit isa.. Lumipas ang panahon at heto, dalaga na ako. Naalala ko na lahat." Saad nito.

Hindi mo pa naalala lahat, Xien.. May nakaligtaan ka. Hindi mo alam na, patay na ang tunay mong nanay.

"Teka.. Haha. Nasaan naba si Mama? sabi kasi ni papa nung nasa hospital ako, umalis daw si mama. Binilhan niya daw ako ng laruan kasi gustong gusto ko 'yon. Tsaka sabi ni papa, babalik din agad siya. Pero bakit hanggang ngayon wala parin siya?"
Tila napako ako sa aking kinatatayuan.

"Tsaka, anong nangyari? Bakit nandito nanaman ako sa hospital? Nasaan si baby Max at papa at mama?"



The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon