Chapter 30

659 27 4
                                    

Max's POV

Sakay ng kotse ay tahimik lang kaming dalawa ni Shaine na nakatingin sa kanya-kanya naming notes. Ilang buwan din kaming tumigil ni Shaine sa pag-aaral dahil sa pangyayaring iyon.

"Shooot. Max, focus. Kalimutan mo na 'yon." Pagpapakalma ko sa aking sarili, dahil sa tuwing naalala ko ang mga nangyari ay kinakabahan na lamang ako bigla.  Masasabi kong nakarecover na kami ni Shaine kahit papaano.

"Umm, Max. May tanong ako."

Tumingin ako kay Shaine na ngayon ay nakaharap parin sa notebook niya at libro.

"Ano 'yon?"

"Max.. naalala mo nung pumasok ka sa kuwarto kung saan mo ako nakita? diba may nabasa ka sa papel? Bakit hindi mo agad na na gets 'yon?" pagpipigil niya ng tawa habang hindi parin tumitingin sa 'kin.  Napalunok naman ako at inayos ang kwelyo ng uniform ko.

"S-syempre. Sobrang kinakabahan na ako no'n. Nagaalala kaya ako sayo nun. Teka, ano bang nakalagay doon?" Sa wakas ay humarap na din ito sa akin.

Hindi niya na mapigilan kaya humagalpak na ito sa katatawa

"HAHAHAHAHAHA. 'Xam! gnolut. Nangnulut om oka esaelp!' Iyan yung nakalagay diba? Tae. Hindi ko rin alam kung bakit baliktad 'yan eh. Siguro dala din ng kaba kaya ganyan ang naisulat ko 'yan. "Max, tulong! Tulungan mo ako please!" Ayern. May nabasa rin kasi ako na baliktad na words kaya siguro ganun. Pfttt." Napailing nalang ako. Minsan may pagka eng eng din 'to si Shaine eh. Parehas kami haha.

"Tsk."

Huminto ang kotse sa tapat ng school na pinapasukan namin ni Shaine. At dahil nga kailangan naming magreview para may alam sa klase ay napagpasyahan naming magkotse nalang kaysa maglakad. Bumaba na kami at dali-daling naglakad dahil ma-late kami pareho sa klase namin.

"Aray ko naman!" Nauna akong maglakad kay Shaine kaya medyo nahuli ito. Tumingin ako sa kanya at nakita kong natumba ang dala-dala niya dahil may lalaking nakabangga dito.

"Hala, miss. Sorry sorry.." Lumakad ulit ako papunta sa kanya at tinulungan sila sa pag kuha ng gamit.

"Nyemas. Hindi kasi tumitingin sa daanan eh!" Nagulat nalang kaming dalawa ng lalaking ito dahil biglang taas ng boses ni Shaine.

"Alam ko. Kaya nga sorry diba?!"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo!"

"Wala akong pake! Basta sorry."

"MA---

Pumagitna na ako dahil kanina pa nagsasamaan ng tingin ang dalawa.

"Tama na nga! Shaine, halika na. Male-late na tayo eh!"
Sigaw ko at tumingin sa lalake.

"Tol, mauna na kami ha. Shaine at Max nga pala." Pagpapakilala ko at hinatak na si Shaine.

"Sorry ulit Tol and Shaine! JC Santos nga pala!" Pahabol nito. Kita ko sa gilid ng aking mata na umirap si Shaine at halata na walang pake sa sinabi ng lalake.

Tsk. Shaine, nagseselos ako.

~~~~~~~~
Shaine's POV

Hanggang ngayong break time na ay badtrip parin ako sa lalaking nag ngangalang JC. Ewan, Simula ng mabangga niya ako ang init init init init sobrang init na ng dugo ko sa kanya.
Akala mo naman, kung sinong gwapo!

"Huy bebs. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa mukha mo ngayon. Haha" Isa pa 'tong si Kristina eh. Bagong kaibigan ko siya, nag transfer siya dito nung panahong wala ako at hindi pumapasok.

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon