Max's POV
"A-ano? Ibig sabihin, hindi niyo alam na may asawa siya?" Hindi ko napigilang magtanong. So, nagsinungaling pala si Daddy kanila Tita? Wow.
"Hindi siya nagku-kwento tungkol sa buhay niya. Ang sabi niya lang ay galing siya sa magulong nakaraan." Tila kumalma na ito.
"Inaamin ko na nagalit ako sa kanya. Pero nung oras na 'yon ay pinalipas ko muna. Kailangan maisalba namin si Glenda at Xien at baliw niyang asawa!" Galiaiting wika nito. Halatang hindi parin niya nakakalimutan yung nangyari. Napayuko ako. Nakakahiya dahil ang tinutukoy niya ay ang aking nanay.. Sobra nga ang nagawang gulo ni Mommy sa kanila.
"Lolo.." Ramdam ko ang tingin sa'kin ni Shane.
"P-paumanhin, Max." Ngumiti nalang ako. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit siya kay Mommy. Madaming nawala dahil sa kadesperadahan ng nanay ko.
Tumikhim ito at nagpatuloy sa pag kwento.
"Dito. Dito sa Mansion namin sila natagpuan. Halos magmura ako nung makita kong nakasakay sa stroller si Xien sa taas ng hagdan. Kamuntikan na siya mahulog. Sinabi ni Mariano na ialis ko na sa lugar na ito si Xien at siya na ang bahala kay Glenda.. Hindi ko inaasahan na pati si Lewis ay kasama ni Glenda. Si Lewis ay isa sa mga anak ko." May namuong luha sa mga pisngi niya kaya siya tumingala upang pigilan ito.
"At no'ng araw na iyon nawala ang dalawa kong anak. Halos mamatay sa bugbog ko si Mariano. Galit na galit ako sa kanya nung sinabi niyang kukunin niya sa akin si Xien at babalik na sa asawa niya. Hindi siya lumaban. Binugbog ko lang siya hanggang sa magsawa ako. Ang sakit dahil nawala ang dalawang anak ko at kukuhanin niya pa ang apo ko..."
Basag ang boses pero pinipigilan niya pa ring umiyak. Pumunta sa tabi niya si Shane at hinagod nito ang likod ng kanyang lolo upang pakalmahin."Pero hindi nagtagal, napaliwanag sa'kin ni Mariano. Tinakot siya ni Jane. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang sumama. Nagkaanak sila at ikaw yun Max, sinunod pa nga ni Mariano ang pangalan mo kay Xien eh, nakakatawa 'di ba? Awang awa ako kay Mariano dahil sunod sunuran lang siya kay Jane. Hanggang sa naisip namin na itakas ang dalawang bata sa Mansion kasama ang tatay ni Azrael, si Rafael. Nahirapan, Oo. Pero nagtagumpay kami. At.. namatay naman si Jane." Pati ako ay napaiyak na. Nagagalit ako kay mommy pero mas nangingibabaw padin yung pagkamiss ko sa kanya at iyong awa. Nang dahil sa pagmamahal niya nagawa niya 'yon at madaming buhay ang nawala.
"Sorry.." Tanging salita na nabigkas ko. Napatingin silang dalawa sa akin at takang nagtanong.
"Max, bakit?"
"Sorry. Dahil sa nanay ko nandito tayo sa sitwasyong ito ngayon. Nagkakagulo. Lumuluha. Nang dahil sa kanya nawala ang mga anak mo, tatay Edgardo. Nang dahil kay mommy muntikan na ring mawala si Ate Xien. Nang dahil sa kanya nahihirapan at nasasaktan tayo ngayon. Nang dahil sa kanya.. Nang dahil sa kanya.." Hindi ko na natuloy at napahagulgol ng sobra. Yung iyak na matagal ko ng kinikimkim. Yung hagulgol na matagal ng gustong kumawala pero pinipigilan ko dahil gusto kong ipakita sa kanila na matapang ako.
Pero nagkakamali ako. Hindi habang buhay kaya kong magtapang tapangan. Hindi habang buhay makakaya kong kimkimin lahat ng nalalaman ko. Hindi habang buhay, matatago ang sikreto ng nakaraan. At hindi habang buhay ay itatago ko ito. Dahil lahat ng ito ay kailangan kong sabihin sa kanila at kailangan ipakita.
"Shh Max. Tahan na. Wala kang kasalanan, okay? Hindi ka dapat humihingi ng tawad dahil damay ka lang dito. Kayong apat. Damay lang kayo sa magulong nakaraan ng mga tatay at nanay niyo. Walang may kasalanan." Pagpapakalma sa akin ni tatay Edgardo. Habang si Shane naman ay napaiwas lang ng tingin.
"Hindi.. May kasalanan din ako dahil anak niya ako. Bunga ako ng isang pagkakamali.." Totoo naman hindi ba?
"Oh God. Hindi ka bunga ng isang pagkakamali. Sa totoo lang alam kong ginusto rin iyon ni Mariano. Alam kong kahit papaano ay minahal niya rin si Jane. Pero hindi katulad ng pagmamahal niya kay Glenda. Kaya Max, 'wag mong sisisihin ang sarili mo." Patuloy lang ako sa paghagulgol. Hindi na natiis ni Shane at lumapit na siya sa akin. Niyakap niya ako. Binaon ko ang aking ulo sa balikat niya habang siya naman ay hinayaan lang akong umiyak dito.

BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
HorrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...