Chapter 22

1.2K 55 13
                                    

Xien's POV

"Anak, huwag na huwag kang aalis dito, naiintindihan mo ba? Hintayin mo lang si Daddy, babalik ako. Pangako." Napatingin ako sa isang batang umiiyak. Nakayakap ito nang sobrang higpit sa lalake na sa aking palagay ay kanyang Ama. Pamilyar ang boses ng lalakeng ito sa akin, pati ang batang babae. Hindi ko matanaw ng maayos ang mukha nila dahil sobrang labo nito. Ang alam ko lang ay nasa isang kwarto ako kasama ang dalawang tao na ito.

Umiling ng maraming beses ang bata habang humahagulgol ng malakas. Gustohin ko mang lapitan at patahanin ito ay hindi ko kaya, ni hindi ko magawang gumalaw. Hindi ako makakilos sa di malamang dahilan. Pinipilit kong humakbang pero ayaw pa din.

"D-daddy! Huhu Don't leave me alone. I'm so scared daddy, huhu" Patuloy na ngawa nito. Napaangat ng tingin ang lalake, siguro ay nagpipigil ng luha.

"Shhh.. Tahan na Baby, babalik ako. Basta 'wag kang lumabas ha? Kahit anong marinig mo 'wag na 'wag  kang lalabas."Nakikita ko na unti-unting bumibitaw ang lalake sa pagkakayakap niya sa bata. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi saka hinalikan sa noo. Pagkatapos ay tumayo ito at tumakbo palabas.

" N-no! No! Daddy! Dadddddy!" Sigaw ng bata. Pilit nitong inaabot ang doorknob ng pintuan pero dahil sa maliit siya ay hindi niya ito maabot. Napaupo ito at sinabunutan ang sarili niya habang patuloy paring umiiyak at paulit ulit na binibigkas ang "daddy".

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon